Halos limang oras din na nakatulog si Alondra, marahil sa sobrang pagod kaya hindi na niya namalayan ang oras. Sabi pa naman niya hanggang tatlong oras lamang siya matutulog para makabalik siya sa ospital baka kasi hanapin siya ng kanyang Papa. Kaya naman minabuti niya na lumabas na nang silid para sabihin kay Hendrick na kailangan na niyang bumalik sa ospital. Siguro hindi siya makakatagal mamayang gabi doon kasi sa kalagayan niya. Palagi ng nangangalay ang kanyang balakang at ang kanyang mga paa siguro nagpapasama na lamang siya kay Manang Connie sa kanilang bahay. Paglabas niya ng silid ay nakita niya si Hendrick, dinala doon ang isang sofa malapit sa may pinto ng silid nito na kanyang tinulugan kanina at doon ito nakaupo. Pero dahil siguro sa pagkainip kaya nakatulog na ito. Da

