Kinabukasan nagtungo sila sa kulungan kung saan nakakulong si ang Mama ni Alondra. Dahan-dahan lamang ang pagpapatakbo ng sasakyan ni Hendrick dahil na rin sa kabuwanan na nga ng kanyang asawa. Natatakot siyang baka matagtag ito ng husto, tapos manganak ito ng wala sa oras kaya dahan-dahan lamang talaga siya. Mainam na iyon para matiyak niyang ligtas ang kanyang mag-ina. Katulad ng kanilang napag-usapan kahapon, lumipat sila ni Alondra sa kanyang condo na mas malapit sa hospital ng papa nito. Kaya naman dumaan muna sila sa ospital bago sila magtungo sa bilangguan. Ang totoo wala naman talaga siyong balak na dumalaw sa kulungan kaya lang kasi nais ng mama ni Alondra, wala naman aana siyang dahilan para makipagkita dto kaya lang sa sinabi nito kahapon sa kanya siguradong importante an

