Pagdating nila Alondra ng kulungan ay agad nilang nakaharap ang kanyang mama. Umiiyak ito ng makita siya at abot-abot ang pasasalamat kay Hendrick dahil dinala siya nito doon. Nasisiyahan naman ang kanyang puso dahil ibang iba na talaga ang kanyang mama kesa sa dati nitong pag-uugali sa kanya. Kung dati halos ayaw siya nitong makita, pinagtatabuyan pa nga siya nito at pinagmumura pa siya. Kahit na wala naman siyang ginagawang masama tapos lahat ng masasakit na salita ay nagmumula sa bibig nito. Lalo na kapag hindi siya sumunod sa nais nito, kaya ngayon talagang parang nakakapanibago pero nakakataba sa kanyang puso ang nakikitang pagmamahal nito sa kanya, samantalang dati hindi niya makita at lalong hindi niya madama. “S-Salamat anak at sumama ka kay Hendrick, nagpapaalam kasi ako

