"Totoo nga na hindi pala natin kamag-anak si Alondra at ito na yata ang hudyat para kayo ay magsitigil na sa mga sinasabi ninyong masasakit sa batang ito. Dahil sa totoo lang naman ay wala talaga kayong karapatan ng husgahan si Alondra lalo pa at hindi rin naman niya kagustuhan ang mga nangyari. Mga magulang niya ang dapat ninyong sisihin pero nakukulong naman na ang mag-asawa at sa tingin ko ay napagbayaran naman na nila ang kasalanan nila dito kay Hendrick at isa pa naging maayos naman ang kinalabasan ng kalokohan ang mag-asawang iyon." pahayag ni lola seli habang hawak-hawak ang DNA test result niya at ng kanyang mama. "Siguro naman ay nagkakaintindihan na tayo, itigil na ninyo ang pang i-insulto kaya Alondra dahil simula ngayon hindi na natin siya kamag-anak. Pero hindi pa rin naputol

