Ang simpleng pag-uusap na iyon ay inabot pa hanggang madaling araw dahil ang mga pinsan ni Hendrick ay nag-ayayaang mag-inuman. Hinayaan naman iyon ng lalaki dahil parang celebration na rin 'yun dahil sa wakas natanggap na ng kanyang pamilya ang pagsasama nilang dalawa ni Alondra. Ang nakakatuwa pa, agad-agad na bumalik sa dati ang lahat yung para bang nawala ang tensyon sa paligid. Nakikipagbiruan at nakikipagkwentuhan na ang kanyang asawa sa mga pinsan nito dati. Maging ang galit na galit na siyl Tiyang Conchita ngayon ay kasundo na ng kanyang asawa, naging totoo naman kasi ito sa paghingi ng tawad sa kanyang asawa kaya naman agad itong pinatawad ng kanyang asawa. Sa totoo lang sobrang ligaya niya ng mga sandaling iyon kasi parang nabunutan na ng tinik ang kanyang lalamunan dahil ng

