Masayang nag-almusal ang mag-asawang Alondra at Hendrick nang umagang iyon. Para bang napakaganda ng umaga para sa kanilang mag-asawa, maging si Lola Celly ay masayang karga ang kanilang anak habang nag-aalmusal. Kinukuha sana ni Manang Connie, ay ayaw talaga kahit na nahihirapan nais pa ring karga si Baby Henry. “Oh ano palang plano niyong dalawa? Ikaw ba Alondra, diba hindi ka pa nakatapos sa pag-aaral? Ano kaya kung bumalik ka sa eskwela, tapos kami ng bahala nitong si Connie sa pag-aalaga sa iyong anak. Mas maganda pa rin kasi yung may tinapusan ka, hindi iyong mayapat kaya mo ng kumita ng pera. Eh okey lang kahit na hindi ka pa nakapagtapos ng pag-aaral. Sabihin natin na kaya ka ring buhayin ng aking apo, pero mas mainam pa rin iyon nakapagtapos ng pag-aaral kaya kung ako sayo bu

