ISANG buwan ang matuling lumipas. “T-Talaga ba honey? Makakalaya na si na mama at papa?!” Hindi makapaniwalang bulalas ni Alondra. “Oo asawa ko maaari na siyang makalabas sa kulungan at pagkalabas din sa ospital ng Papa mo maaari na siyang dumiretso sa inyong bahay.” Masayang sagot sa kanya ng kanyang asawa. “Oh My God! Thank you honey ko, h-hindi mo lang alam kung gaano mo pa p-pinasaya, a-alam mo bang araw-araw kong ipinagdarasal na sana ay makalaya na silang dalawa para maayos na ang kalagayan ng aking mga magulang. Para maging panatag na rin ang aking kalooban. Pero hindi ko alam na ganito kabilis na ibibigay ng nasa itaas ang pinagdarasal ko na iyon. At iyon ay dahil sa'yo asawa ko sobrang salamat talaga. Alam mo naiisip ko nga na siguro kung hindi nagkamali ang ating mga magu

