Habang tinatahak naman nmin ni Gascon papunta sa kaniyang condo ay magkahawak naman kami ng kamay. Hindi ko na ito tinanggal dahil ayokong pagbalingan niya ako ng kaniyang galit. Pagkapasok naman namin sa loob ng condo niya ay naabutan namin doon ang dalawa niyang tauhan na tila hinihintay talaga siya.
Nasa likod niya ako at doon lamang niya ako binitawan. Nakayuko ang dalawa niyang tauhan at halata sa kanila ang takot kahit na hindi ito nakatingin kay Gascon.
“Trinity, get inside of my room,” wika niya na at ang tingin ay nasa dalawa niyang tauhan.
“H-ha? Ahhm, s-sige.” Bago pa ako tumalikod ay sinulyapan ko muna siya pero hindi man lang siya natinag.
Naglakad na ako patungo sa kaniyang kuwarto at nakahawak na sa seradura nang marinig ko ang pagkasa ng baril. Mabilis akong napalingon at nakita kong nakatutok ang baril niya sa dalawa niyang tauhan. Nanlaki pa ang mga mata ko sa gulat at hindi ako nagdalawang isip na lapitan siya.
Humarang ako sa harapan niya na ikinagulat niya at tinaasan pa ako ng kilay. Ang baril niya na ngayo’y sa akin na nakatutok ay unti-unti naman niyang ibinaba. Inilagay niya pa ang dalawang kamay niya sa kaniyang baywang at bumuga pa ng malakas sa hangin.
“What do you think you’re doing Trinity?”
“Ikaw? Ano rin sa tingin mo ang ginagawa mo?” ganting tanong ko.
“Muntikan ka nang mapahamak dahil sa kagagawan nila!”
“Will you please forgive them? Dahil lang sa isang pagkakamali papatayin mo na sila?” Lumapit pa siya sa akin at bigla na naman ako nakaramdam ng kaba.
“I don’t give second chance Trinity. When they make a mistake I kill them,” sabay tingin niya sa dalawang tauhan niya.
Lumingon naman ako sa aking likod at nakatitig lang sila sa akin na parang balewala lang ang sinabing iyon ni Gascon. Muli kong binalingan si Gascon na hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin.
“Kaya mo ba silang patayin? Tauhan mo sila.” Narinig ko pa ang pagtikhim ng isa niyang tauhan kaya napatingin ako sa kaniya.
Kita ko naman na tila nagpipigil siya nang tawa na ikinataka ko at napataas bigla ang isang kilay ko. Magsasalita pa sana ako ng muling itutok ni Gascon ang baril niya sa dalawang tauhan niya at nagulat akong hinarap siya. Tototohanin niya talagang patayin ang mga tauhan niya dahil sa isang pagkakamali lang.
“Julius, Erick get out. I’ll see you on our hide out tomorrow.” Saka lamang niya ibinaba ang kaniyang baril at ipinatong na nito sa lamesa.
“Yes boss.” Lumabas na ang dalawang tauhan niya at ako naman ang binalingan ni Gascon.
Hinapit niya ako sa aking baywang kaya napasinghap ako at nakagat ko pa ang ibabang labi ko. Hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso dahil sa lapit ng aming mukha. Kapag humarap ako sa kaniya ay tiyak magdidikit na ang aming mga labi.
“A-ano b-bang g-ginagawa mo?” nauutal kong wika sa kaniya at nakakapit ako sa dalawang braso niya.
“Why do you face them without your panty?” Mabilis akong napatingin sa kaniya at isang maling galaw mo na lang ay magdidikit na ang aming mga labi.
Napalunok akong bigla at hindi na ako nakapagsalita pa dahil para naman akong lalagnatin sa ginagawa niya sa aking ito. Unti-unti niya akong binitawan at inilagay ang dalawang kamay niya sa bulsa ng kaniyang pantalon.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. “N-nakalimutan ko”
“You gave me a reason to double the punishment on them”
“A-anong ibig mong sabihin?” Humakbang pa siya ng isang beses at nakatingala naman ako sa kaniya.
“Do you want me to put panties on you again?” Pinandilatan ko siya at ibinaba pa ang suot kong t-shirt niya nang bumaba ang tingin niya rito.
“s**t,” mahinang mura ko.
“Don’t curse, I’m serious”
“Kaya ko na magsuot mag-isa,” sabay irap ko sa kaniya.
“Don’t do that again, or else I’m gonna spread your legs ang eat that yours and I don’t care if you didn’t like it.” Pagkasabi niyang iyon ay tumalikod na siya at nagtungo sa banyo.
Patakbo naman akong pumasok sa kuwarto at inilock ko kaagad ang pinto. Habol ko ang aking hininga kahit hindi naman ito kalayuan mula sa aking pinanggalingan. Ang totoo talaga niyan ay natatakot ako sa posible niyang gawin sa’kin.
Dahil sa pagod ay nakatulog akong kaagad pagkatapos kong maligo. Dahan-dahan ko namang iminulat ang mga mata ko at medyo napapapikit pa dahil sa sinag ng araw. Nag-unat pa ako at saka humikab bago tumayo sa aking higaan.
Muntik pa akong mapamura nang makita ko si Gascon na prenteng nakaupo sa sofa malapit sa kama at nakahalukipkip na nakatitig sa akin. Ang pagkakaalam ko ay bago ako matulog ay nilock ko ang pinto dahil natatakot ako na bigla na lang siyang pumasok dito.
Mabuti na lang ay pajama ang binigay niya sa’kin kaya wala akong dapat ikabahala. Nakasuot siya ng jogging pants, itim na t-shirt at rubber shoes na halatang kagagaling lang nito sa pagjojogging. Tumingin pa siya sa relo niyang pambisig at saka ako muling binalingan nang tingin.
“It’s already nine, let’s have some breakfast.” Tatayo na sana siya ng muli akong magsalita.
“Teka lang, kanina ka pa ba rito?”
“One hour ago”
“Paano ka pala nakapasok dito?” Tumaas pa ang isang kilay niya at ngumisa sa akin.
“This is my house ang I have my keys.” Napapikit na lang ako at medyo napahiya sa kaniya.
Bahay niya ito at may karapatan siyang pumasok sa kuwartong ito. Ibig sabihin ay kanina niya pa ako pinagmamasdang matulog. Napailing naman ako at nakaramdam ng hiya dahil baka habang natutulog ako ay naka nganga pa ako o ‘di kaya’y tumutulo pa ang laway sa aking bibig.
“S-sige mauna ka nang lumabas susunod na lang ako.” Tumango lang siya at tuluyan nang lumabas ng kuwarto.
Ilang minuto pa ay lumabas na rin ako pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili. Nakita ko siyang hinahanda na ang mga pagkain sa lamesa at napanganga ako nang makita kung gaano ito karami. Dalawa lang naman kami pero ang daming pagkaing nakahanda sa lamesa na animo’y piyesta.
“What are you waiting for? Sit down.” Doon lamang ako natauhan nang magsalita siya at kaagad akong lumapit sa lamesa.
Naupo naman ako sa kaniyang tabi at siya nama’y nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape. Nakatitig lang ako sa kaniya at ngayon ko lang napansin na hindi naman pala siya ganoong nakakatakot kapag hindi salubong ang mga kilay.
“You know it’s being rude if you keep staring at me.” Napaubo na lang ako at sabay inom ng tubig at nakita kong nakatingin na ito sa akin.
“H-hindi ka ba kakain?”
“I’m not hungry.” Umawang ang mga labi ko at tiningnan ang mga pagkain na nakahain.
Napansin ko pa ang ilang mga kakanin na nakahain at bigla kong naalala si Aling Pasing. Ito kasi ang madalas na binibili ko sa kaniya sa tuwing papasok ako at babaunin ko naman sa school.
“E bakit ang daming pagkain? May bisita ka ba?”
“It’s all yours,” wika niya habang ang atensyon ay nasa binabasa pa rin niya.
“Hindi ko naman ito mauubos lahat eh.” Binaba niya ang dyaryo at binalingan naman ako.
“Kumain ka nang marami para magkalaman ka naman hindi ‘yong pagkain na kung saan-saan mo binibili”
“Teka, paano mong__” Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng bigla na lang siyang tumayo at tinalikuran na lang akong bigla. “Guwapo nga pero bastos naman,” mahinang wika ko sa aking sarili.
Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan ko at iyong ibang natira ay nilagay ko na lang sa ref. Hanggang sa matapos akong kumain ay hindi ko na nasilayan si Gascon.
Papasok na sana ako sa kuwarto para maligo nang lumabas naman si Gascon sa kabilang kuwarto na may bitbit na isang paper bag at inabot nito sa akin. Bagong ligo na ito at nakasuot na rin siya na damit pang-alis.
“Ano ito?”
“Your uniform”
“May stock ka ba ng mga damit ko rito?” sarkastikong sagot ko sa kaniya.
“I got your clothes from your apartment.” Namilog ang mga mata kong nakatitig sa kaniya at tiningnan ang hawak kong paper bag.
“Kailan ka pumunta roon? Saka bakit hindi mo sinabi sa’kin?” inis kong saad sa kaniya.
“I own you in the first place kaya gagawin ko kung ano ang gusto ko. Kahit na ihiga pa kita sa kama ko. So don’t make any mistake Trinity if you don’t want to lose your virginity in time.” Napalunok akong bigla at tila nahalata naman niya iyon.
Ngumisi pa siya at pinasadahan niya ng dila ang ibabang labi niya kaya doon natuon ang aking atensyon. Nag-iwas ako nang tingin at pakiramdam ko ay tila natuyuan ng laway ang aking lalamunan.
“M-maliligo na muna ako.” Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kuwarto nang itukod niya ang kamay niya roon kaya napahinto naman ako at tiningala siya.
“I’m warning you Trinity. You have no idea how can I be a monster in bed.” Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa saka siya tumalikod.
Tila nanlambot bigla ang mga tuhod ko dahil sa sinabi niyang iyon, dahil kung totoo man ‘yon ay tiyak baka mamatay ako ng maaga nito kaya ngayon pa lang ay kailangan ko nang mag-ingat para hindi tuluyang mangyari ang bagay na ‘yon.
Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na rin ako ng kuwarto at nakita ko si Gascon na may kausap sa kaniyang telepono. Narinig niya yata ang pagsara ko ng pinto kaya pumihit siya paharap sa'kin at tinitigan ako.
"Okay, magkita na lang tayo sa hideout," sabi niya sa kaniyang kausap at ibinaba na niya ang tawag. "Let's go"
"Wait, ihahatid mo 'ko sa school?"
"Yes. Any problem?"
"Huwag na, ayokong may makakita sa'kin na bumaba sa kotse mo dahil ayokong pag-isipan nila ako ng masama,"mahinang wika ko sa kaniya nang nakayuko.
Naramdaman ko ang kaniyang paglapit kaya heto na naman ang dibdib ko sobrang lakas nang kabog sa tuwing magkakalapit kami. Hinawakan niya ang baba ko at inangat ang aking mukha. Sa puntong iyon ay nagtama ang aming mata at masasabi kong hindi lang siya guwapo kun'di malakas din ang appeal pagdating sa mga babae. Alam ko namang marami na siyang naikama at isa na siguro ako roon kapag may isang bagay na hindi ko siya sinunod at iyon ang kailangan kong iwasan. Ipinangako ko kasi sa sarili ko na ibibigay ko lang ang katawan ko sa lalaking makakasama ko habang buhay at hindi sa lalaking gagawing impyerno ang buhay ko.
"Okay, I'm still watching you Trinity." Binitawan na niya ako at binuksan na niya ang pinto at hinihintay na rin akong lumabas.
Sabay na kaming lumabas ng kaniyang condo at hinintay ko na lang siyang sumakay sa sasakyan niya. Bago pa niya ito paandarin ay ibinaba niya pa ang bintana niya at sinulyapan ako.
"I forgot to tell you this, you will no longer work at that bar from now on understood?" tumango na lang ako at pagkuwa'y umalis na siyang kaagad.
Napabuntong hininga na lang ako at tinanaw na lang siya habang papalayo. Paano ko ulit makikita ang kaibigan ni papa kung wala na ako sa bar? Gusto ko ulit siyang makausap at kumustahin kung ano na ang kaniyang lagay. Naniniwala pa rin ako na balang araw ay magkikita pa rin kami at magkakasamang muli tulad ng dati. Hinawakan ko ang kuwintas na nakasuot sa akin at hinaplos ito. Binigay ito ni papa noong kaarawan ko at may litrato naming dalawa ito.
Tumingala pa ako para lang hindi tuluyang bumagsak ang luha ko at sandaling pumikit. Maya-maya'y biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi kaya bigla akong napamulat. Siguro kaya hindi na ako pinapabalik ni Gascon sa bar ay dahil sa insidenteng nangyari kagabi at tiyak pagbibintangan nila ako dahil ako lang naman ang naiwan sa bar. Tatanungin ko na lang siya mamaya pag-uwi ko dahil hindi ako matatahimik nito hangga't hindi ko nalalaman kung ano ang nangyari sa mga lalaking pinatay niya.