CHAPTER 12

2438 Words
Pauwi na ako at nagmamaneho na ng aking sasakyan nang maisipan ko namang tawagan si Erick upang kumustahin si Trinity. Hawak ko ang aking manibela at ang isa naman ay nasa aking telepono. “f**k!” mahinang mura ko ng hindi sinasagot ni Erick ang aking tawag. Nagpasya na lang akong pumunta sa bar kung saan naman nagtatrabaho si Trinity dahil bigla akong nakaramdam ng kaba na hindi ko maintindihan. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko para mabilis akong makarating sa bar. At nang makarating na ako roon ay napansin ko na wala roon ang sasakyan ni Erick kaya nagtaka ako kung saan siya nagpunta. Tiningnan ko ang relo kong pambisig at alas tres na rin ng madaling araw at baka umalis na rin si Erick dahil nakauwi na si Trinity. Papaandarin ko na sana ang aking sasakyan nang makarinig ako ng isang sigaw na nanggagaling sa ‘di kalayuan sa puwesto ko. Bumaba ako ng sasakyan at hinanap kung saan nanggagaling ang sigaw na ‘yon. Maya-maya pa’y nakarinig naman ako nang tawa ng mga kalalakihan. Sinulyapan ko ang bar kung saan nagtatrabaho si Trinity at mabilis kong sinuot ang black gloves ko at kinuha sa aking sasakyan ang dalawang pistol ko. Huminto muna ako sa tapat ng pintuan ng bar at pinakinggan muna ito kung tama ba ang hinala ko. Hindi nga ako nagkamali, dito ko narinig ang sigaw ng isang babae at malamang ay si Trinity ang narinig ko kanina. Kung siya nga ‘yon at may ginawa sa kaniyang hindi kanais-nais ay hindi ako magdadalawang isip na patayin sila, wala pa akong binuhay sa mga naging kaaway ko. Walang kahirap hirap kong tinadyakan ang pintuan ng bar kaya napatingin silang lahat sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Trinity sa sahig at hawak siya ng dalawang lalaki at wala ng suot sa kaniyang pang-ibaba. Walang habas kong binaril ang dalawang lalaki na kaagad naman nitong ikinasawi. Binalingan ko pa ang tatlong lalaki na nasa kaniyang gilid at ganoon din ang ginawa ko sa nauna at sa ulo ang patama ko sa mga ito. Inalalayan kong makatayo si Trinity at hinubad ko pa ang suot kong t-shirt para ipasuot sa kaniya. Kung hindi lang ako napaaga nang dating ay baka naisakatuparan ng mga lalaking iyon ang masamang balak sa kaniya. Nang nasa sasakyan na kami ay kinuha ko sa likod ang kulay itim kong t-shirt at sinuot ito. Gigil ko namang idinial ang numero ni Erick at kaagad niya naman itong sinagot. “f**k Erick where the hell are you?!” sigaw ko habang nagmamaneho na ako at nasa tabi ko naman si Trinity. “I told you to keep an eye on her. Kung hindi ako dumating baka__” Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang tiningnan ko si Trinity at mataman ding nakatitig sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa daan. Nang makarating na kami sa condo ko ay wala ako sa sarili kong hinawakan ang kaniyang kamay habang tinatahak namin ang daan papunta sa akig condo. Pagkabukas ko ng pinto ay nabungaran ko kaagad si Juluis at Erick na alam kong hinihintay ako. Humarap sila sa akin at sabay na yumuko. “Trinity, get inside of my room,” utos ko sa kaniya na ang tingin ko ay nasa dalawang tauhan ko. Sinunod naman niya ang sinabi ko at mabilis na umalis sa aking tabi. Binunot ko ang baril ko at mabilis ko itong kinasa at tinutok sa kanilang dalawa. Nagulat na lang ako ng biglang humarang sa harap nila si Trinity. Tumingin pa ako sa ibabang bahagi niya at naalala na wala nga pala siyang suot na panty kaya naman napamura na lang ako sa aking isipan. Kita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Julius at tila nagpipigil pa nang tawa na wari ko’y napansin niya ang kay Trinity. Mabuti na lamang at mahaba ang t-shirt ko sa kaniya kaya hindi ito masyadong halata. “Kaya mo ba silang patayin? Tauhan mo sila.” Tumikhim naman ang dalawa at napalingon pa si Trinity sa kanila. Ang totoo niyan ay hindi ko naman talaga sila magagawang patayin dahil hindi ko lang sila basta tauhan lang kun’di kababata rin namin sila ni Roco. Magkakaibigan ang mga ama namin at sila mismo ang nagpresinta na maging isang mafia rin katulad namin ni Roco. At nang makaalis na ang dalawa ay saka ko muling hinarap si Trinity. Hinapit ko siya sa kaniyang baywang at narinig ko pa ang kaniyang pagsinghap at mariing kinagat ang ibabang labi niya. Natuon naman ang atensyon ko sa kaniyang mapupulang mga labi at pumikit pa ako para pigilan kung ano man itong iniisip ko ngayon. Hindi ako puwedeng magkamali at iisa lang ang puntirya ko, iyon ay ang kaniyang ama. She’s young and beautiful and she doesn’t look like a minor. I have never tasted a woman’s lips because all I want is their body. Pero pagdating kay Trinity ay parang gusto kong halikan ang mga mapupula at maliit niyang mga labi and I think I’m crazy over her. “Why do you face them without your panty?” Mabilis siyang napatingin kaagad sa’kin at napadakong muli ang tingin ko sa kaniyang mga labi. Wala ako sa sarili kong napalunok na lang at hindi ito pinahalata sa kaniya. Binitawan ko na siya dahil baka mawala akong bigla sa ulirat at dalhin ko na lang siya sa aking kuwarto. I want to take easy on her. Hindi ako puwedeng mabulilyaso dahil kailangan ko pang palabasin ang kaniyang ama kung saang lungga ito nagtatago. At pagkatapos noon ay ako mismo ang papatay sa ama niyang si Roberto Algaser. Pagkapasok ko sa aking study room ay pabagsak akong naupo sa aking sofa at hinilot ko pa ang sentido ko. Kanina pa sumasakit ang puson ko dahil kay Trinity at mabuti na lang kahit papaano ay kaya ko pang magpigil. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon at tinawagan ang isa sa mga tauhan ko para papuntahin naman sa hotel ang pinapakuha kong babae. Paglabas ko ng study room ko ay sinulyapan ko pa ang pinto ng kuwarto ko kung nasaan si Trinity at malakas akong napabuntong hininga. Hindi na siguro siya lalabas ng kuwarto at wari ko’y tulog na rin siya ngayon. Habang nakikipagtalik naman ako sa ‘di ko kilalang babae ay mukha ni Trinity ang nakikita ko sa kaniya at mas lalo ko pang binilisan ang pagbayo ko sa ibabaw niya na may halong panggigigil. Pinisil ko pa ang isang dibdib niya at pabilis nang pabilis ang paggalaw ko na animo’y siya ang katalik ko. “Aaaah! Oh f**k so damn good!” ungol niya. At nang malapit na akong labasan ay kaagad ko itong hinugot at pumwesto sa kaniyang dibdib at doon ko ito nilabas. Napapikit pa ako at tinaas baba ko pa ang paghagod sa aking sandata. Pagkatapos noon ay tumayo na ako sa kama at pumunta sa banyo para naman linisin ang aking katawan. Wala na rin akong balak pa magtagal doon dahil kailangan ko lang naman ilabas ang init ng katawan ko at ang dahilan nito ay si Trinity. Nang matapos na ako ay kaagad akong nagbihis at niyakap naman ako ng babae sa aking likuran. Napaikot na lang ang mata ko at napabuga pa sa hangin at tinanggal ang dalawang braso niya sa aking baywang at saka siya hinarap. “No strings attach. All I want is your body and not you,” may diing wika ko sa kaniya at tinalikuran na siya. Umalis na kaagad ako sa hotel at tinawagan ko muna si Austin na isa rin sa mga tauhan ko. Balak kong kunin na sa apartment ni Trinity ang mga gamit niya dahil sa akin na siya titira at hindi na magtatrabaho pa sa bar. “Hello boss,” sagot ni Austin. “Austin kumusta ‘yong pinapaligpit ko sa inyo sa bar?” “Okay na boss malinis na” “Good, come to Trinity’s apartment after you burn them.” Pagkasabi kong iyon ay ibinaba ko na ang tawag. Before I went to the hotel I called Austin to order him to clean up any clutter in the bar. I will never send Trinity back there and she will be my bait to catch the one who killed my father. Nang makarating na ako sa apartment niya ay medyo pasikat na rin ang araw at marami na ring tao ang dumaraan sa lugar na ‘yon. Hindi ko naman lubos maisip kung paano niya ito nakakayanan na tumira sa ganitong klaseng lugar. Maya-maya pa ay dumating na rin si Austin at kinatok naman niya ako sa aking bintana. Bumaba na ako at pinasadahan pa nang tingin ang apartment kung saan tumutuloy si Trinity. Pumasok na kami sa loob at kinausap ang namamahala ng apartment para sana kunin ang iilang gamit ni Trinity. “Sino po pala sila?” wika ng ginang sa amin “I’m Trinity’s guardian” “Ah ganoon po ba? Ito po ang susi nasa pinaka dulo po ang kuwarto niya sa third floor,” sabay abot niya sa akin ng susi. Maliit lang ang apartment at karamihan ang umuupa roon ay pawang mga estudyante o ‘di kaya’y may mga trabaho na rin. Si Austin na ang nagbukas noon at pumasok naman kami sa loob. Maliit lang ang loob noon at tanging isa o dalawang tao lang ang kakasya roon. “Boss ano po ba ang kukuning gamit natin sa kaniya?” wika niya at naglakad pa ako papunta sa kaniyang kuwarto. Nakita ko na maliit lang din ang higaan niya at tanging isang unan lang at elektricfan ang gamit niya. Tinungo ko ang cabinet niya at nakita kong iilan lang din ang mga damit niya na nakalagay doon. Pansin ko naman sa ilalim ang mga paper bags na alam kong galing pa ito sa akin. Kinuha ko ito at binuksan at naroon pa nga ang ilang damit na binigay ko sa kaniya. “Leave her old clothes and take only those in the paper bags.” Tatalikod na sana ako nang mapansin ko naman ang isang litrato na nakadikit sa pintuan ng kaniyang cabinet. I picked it up and stared at it intently. It is a photograph of a child carrying a man and this is her father. Nanlaki pa ang aking mga mata dahil parang nakita ko na ang batang ito at sa tantiya ko ay nasa lima o anim na taon na ito. “Boss may problema ba?” tanong ni Austin. Ibinulsa ko na ang litrato at hinarap na si Austin na bitbit na ang ilang gamit ni Trinity. Iniisip ko kung kamukha lang ba niya ang batang iyon o siya talaga ito. Pababa na kami at isosoli na ang susi ng apartment ni Trinity nang marinig ko naman ang pangalan niya sa isang babaeng may edad na at kausap nito ang namamahala sa apartment. Napalingon siya sa amin at malapad naman na ngumiti ang babaeng may hawak na mga iba’t-ibang klaseng pagkain. “Siya pala Pasing ang kinukuwento ko sa’yo na kamag-anak ni Trinity,” wika ng ginang sa nagngangalang Pasing. “Kamag-anak mo pala hijo si Trinity?” tumikhim muna ako bago nagsalita. “O-opo” “Mabuti naman at mayroon siyang mabait na tiyuhin!” Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niyang iyon at samantalang si Austin naman ay mahina pang tumawa. Sinamaan ko pa siya nang tingin kaya naman umiwas na lang ito nang tingin sa akin. Hinarap ko naman siya at pinipigilan ko na lang ang aking sariling magalit sa kaniya. “Actually I’m not her__” “Ah alam ko na! Kuya ka ba niya? Pakibigay mo naman sa kaniya itong mga kakanin kasi paborito niya ang mga ‘yan eh. Iyan lagi ang binibili niya sa’kin tuwing umaga bago siya pumasok sa school.” Kinuha ko naman ito at tiningnan ang mga pagkaing dala niya. Bago pa ako makapagsalita ay nagmamadali na rin siyang umalis at nagpaalam na rin kami sa may-ari ng apartment. Padabog naman akong pumasok sa loob at inis na tinitigan ang pagkaing nasa aking tabi. “Tiyuhin? f**k!” mahinang mura ko. Bago pa ako umakyat sa aking tinutuluyan ay nagjogging muna ako ng ilang oras saka ko naisipang umakyat na dahil baka gising na rin si Trinity. Nag-order muna ako ng mga ilang pagkain dahil hindi ko rin naman alam kung anong pagkain ang gusto niya. Naalala ko naman ang binigay noong ginang para kay Trinity kaya kinuha ko ito sa aking sasakyan. Pagkarating ko sa unit ko ay mukhang hindi pa nagigising si Trinity kaya ipinatong ko muna sa lamesa ang mga pagkain at pinuntahan ang kuwarto niya. Napansin ko naman na nakalock ito at napangisi na lang ako dahil halatang natatakot ito sa akin na pasukin ko siya habang natutulog, kinuha ko ang susi noon at kaagad na binuksan. Himbing pa ang kaniyang pagtulog dahil anong oras na rin kami nakauwi kanina. Umupo ako sa sofa malapit sa kama at pinagmamasdan naman siya habang natutulog. Kinuha ko ang litrato sa aking bulsa at pinagmasdan ito at binaling kong muli ang tingin ko sa kaniya. Napasandal ako sofa at hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya. “So, ikaw nga ang batang ‘yon? What a coincidence,” bulong ko sa aking sarili. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagising na rin siya at hindi napansin na nandito lang ako sa tabi niya at pinagmamasdan ang kilos niya. Napailing na lang ako at humalukipkip habang pinagmamasdan siya. Nagulat pa siya at hindi niya inaasahan na makikita ako sa loob ng kuwarto. “It’s already nine, let’s have some breakfast.” Tatayo na sana ako nang magsalita siya. “Teka lang, kanina ka pa ba rito?” “One hour ago” “Paano ka pala nakapasok dito?” Tumaas naman ang isang kilay ko at nginisian siya. “This is my house and I have my keys.” Napairap na lang ako at saka tumayo sa aking pagkakaupo. Lumabas na ako sa kuwarto at sumandal muna sa pinto sandali. Narinig ko pa ang pagtunog ng aking telepono at kinuha ko pa ito sa aking bulsa. Nakita ko namang si Julius ang tumatawag at kaagad ko naman itong sinagot. “Yes Julius?” “Boss we’re already here” “Okay wait for me for a while.” Pagkasabi kong iyon ay ibinaba ko na ang tawag at sinulyapan ang pinto ng kuwarto. “So, you’re scared huh.” Naiiling na lang akong tinungo ang kusina at ihanda na ang aming almusal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD