CHAPTER 13

2025 Words
Pagkarating ko sa mismong hideout ay natigilan ako sa aking paghakbang nang masilayan ko naman doon ang kapatid kong si Roco. Matagal na rin na panahon noong huli siyang magpunta rito simula noong bugbugin ko siya dahil sa pagkalas niya sa organisasyon at sa pagkawala niya bilang isang Mafia boss. Napansin naman niya ako kaya kaagad niya akong nilapitan. Tinapik niya ako sa aking balikat at inakbayan, alam kong may problema kaya siya naririto. Naupo muna kami at seryoso ang kaniyang mukhang hinarap ako. “What is it Roco?” “I think I don’t want to do this?” pinanliitan ko siya ng mata at nakahalumbaba ko siyang pinagmasdan. “Do what?” “Saktan si Ianne. You know me Gascon” “Anong gusto mo? Mamatay si Ianne? Roco, you have to endure if you want to protect her.” Napabaling naman ang tingin ko kay Julius at Erick sa ‘di kalayuan sa puwesto namin. Tumayo ako at nilapitan naman silang dalawa. Nakayuko lang sila at alam kong alam na nila kung ano ang kahihinatnan nito. Inilahad ko ang palad ko sa isa ko pang tauhan at ibinigay naman nito sa akin ang latigo. Nilapitan pa ako ni Roco at tumabi sa akin na takang nakatingin kay Julius at Erick. “Hey Gascon what are you doing?” “I have to punish them Roco.” Tinanggal na nila ang kanilang mga damit at pinulupot ko naman sa aking kamay ang latigo. “f**k Gascon si Julius at Erick ‘yan!” sigaw niya sa’kin. “I know Roco, pero may kasalanan sila” “Okay lang boss nagpabaya rin kami kagabi.” Binalingan ako ng kapatid ko at tinaasan pa ako ng kilay. “Anong ibig nilang sabihin?” Dumapa na sila at hahampasin ko na sila ng aking latigo nang hawakan ni Roco at aking braso. “What do you think you’re doing Roco?!” “Stop it Gascon!” Pabagsak niyang binitawan ang aking braso at galit niya akong tinitigan. “Ano bang kasalanang nagawa nila at ganiyan na lang ang galit mo? Baka nakakalimutan mo kaibigan pa rin natin sila” “I know Roco! Hindi ko nakakalimutan ‘yon” “Then why? Is it because of Trinity?” Napabuntong hininga na lang ako at isinuklay ko ang aking mga daliri sa aking buhok. “Trinity was almost rape last night.” Napakuyom ako ng aking palad pagkasabi kong iyon. “Pasensiya ka na Gascon may hinabol kasi kaming kalaban kagabi at parating nakatingin kay Trinity. Noong sinuway namin bigla na lang nagtatakbo kaya hinabol namin ni Julius,” paliwang ni Erick. Naihilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha at pabagsak na naupo sa sofa. Naupos na rin sila katapat ko at sa tabi naman ay ang kapatid ko. “See Gascon?” nakangising turan ni Roco. “Mainitin talaga ang ulo niyang kapatid mo,” saad ni Erick at inirapan pa ako. Ganito kami kung kami-kami lang naman ang magkakaharap. Hindi na rin sila iba sa’kin pero boss pa rin ang tawag nila sa’kin at maging kay Roco. Si Roco naman ay naiiling at napapahagikhik pa na mas lalo kong ikinainis. “What’s so funny Roco?” inis kong saad. “Ngayon lang kitang nakitang ganiyan” “What?!” Tumayo na siya at halatang nagpipigil lang ng kaniyang tawa. “Good luck bro, alalahanin mo hindi pa siya hinog ‘wag mo munang pipitasin.” Lumapit pa siya kina Julius at Erick at nakipag fist bump pa bago ito lumabas ng hideout. “Gascon, huwag mo muna pipitasin ha?” baling ni Erick na naiiling at natatawa pa bago ito tumayo at kasunod na rin si Julius. “You want to die today Erick?” may diing wika ko. “Huwag naman! Virgin pa ‘ko eh” “f**k you!” inirapan ko siya at saka humalukipkip. Saktong pag-alis nila ay saka naman tumawag sa aking telepono si Austin na siya munang nagbabantay kay Trinity. Sinagot ko itong kaagad at napatayo na lang akong bigla sa aking pagkakaupo sa ibinalita sa akin ni Austin. Kaagad akong umalis sa hideout at pumunta sa aking opisina. Tulad ng dati ay wala na akong nakikitang mga pakalat-kalat na empleyado sa paligid ko kapag pumupunta ako roon dahil lahat sila ay takot sa akin. Well, I don’t blame them this is me and I will do everything that I want. Pagkapasok ko ng conference ay naabutan ko na roon ang Board of Director ko at malugod naman akong binati. Naupo ako sa pang-isahang upuan at nasa kabilang gilid ko naman siya. “Sir, we have a bidding tomorrow night,” ani ni Mr. Custodio at ibinigay sa akin ang isang folder. “Kasali po riyan ang Andreano Corporation.” Mabilis napabaling ang tingin ko sa kaniya at pabagsak kong ipinatong ang folder ko sa lamesa. “He’s losing my patience,” I said while grinning my teeth. “Are you going to accept it sir?” “I’m Gascon Montealegre, I have not backed down from any battle you may now go.” He came out of my office and I faced my window. Maurice has been competing with me for a long time and it only stopped when he went abroad. At ngayong nagbalik ulit siya ay mukhang sinasadya na naman niya ang pagkakataon na muli kaming magkita at sa pagkakataong ito ay hindi ako magpapatalo sa kaniya. Lumabas na ako ng aking opisina at naghihintay na lang bumukas ang elevator. Pagkabukas naman noon ay pansin ko ang pagtatawanan ng ilang empleyadong nakasakay doon at natigilan lang sila nang makita ako at sabay-sabay pa silang napayuko. I still remained standing and they still didn’t come out of the elevator. My both hands are in my pocket and stared at them wickedly. “Do you have no plans to go out yet?” inis kong sabi sa kanila. “Ahhm s-sir fifth floor pa lang po ito, sa ground floor po kasi ang baba namin,” wika naman ng isang babae. Napapikit na lang ako at napahilot sa aking sentido dahil sa pagkapahiya. Hindi ko naman ito pinahalata at pumasok na rin ako sa loob ng elevator. Pagkarating ko naman sa aking sasakyan ay pabagsak ko naman itong isinara at binuksan na ang engine nito. Maaga pa naman at pupuntahan ko muna si Trinity sa kanilang eskwelahan. Saktong pagkarating ko roon ay nakita ko naman siyang palabas ng gate kasama ang kaibigan niya na parati niyang kasama. Nagpalinga-linga pa siya at siguro ay tinitingnan niya kung may nagmamasid ba sa kaniya. Napangisi na lang ako at muli siyang pinagmasdan. Nagtaka naman ako dahil sa ibang direksyon siya lumiko hindi mismo kung saan ang sakayan papunta sa condo ko. Sinundan ko siya at pansin ko na sumakay siya sa isang tricycle. Muli ko siyang sinundan at muntik pa akong mapamura nang bumaba siya sa isang ospital kung saan naka confine si Kenjie. “You’re making me mad Trinity,” may diing wika ko habang nakatanaw sa kaniya papasok sa ospital. Ipinarada ko ang sasakyan ko at pumasok na rin sa loob ng ospital. Hinintay ko nalang siyang makalabas at sumandal naman ako sa pader at humalukipkip. Ilang minuto pa ay nakita ko siyang naglalakad ng hindi man lang ako napapansin. Hinawakan ko siya sa kaniyang braso at hinila siya palabas ng ospital. Isinandal ko siya pinto ng kotse ko at halata ko sa itsura niya ang sobrang pagkagulat. “What did I tell you Trinity?” mahina ngunit galit kong saad sa kaniya. “D-dadalawin ko l-lang naman s-si__” Hindi na niya itinuloy ang kaniyang sasabihin nang hampasin ko ang pinto ng aking kotse na siya namang ikinagulat niya, “Did I just warn you?!” “Kaibigan ko siya at ikaw ang dahilan kung bakit siya nasa ospital ngayon at wala pa ring malay!” maluha-luha niyang saad sa akin. “Get in.” Nanatili pa rin akong nakatitig sa kaniya at maya-maya pa’y sumunod na rin ito. Nang makarating kami sa condo ko ay nauna na siyang bumaba at pumasok sa loob. Hanggang sa makarating kami ay hindi na kami muli pang nag-usap at deretso naman siyang pumasok sa loob ng kuwarto. Pumunta na lang ako sa kusina para uminom ng tubig at naibuga ko pa ang iniinom ko nang marinig ko naman siyang malakas na sumigaw. Nataranta akong bigla at kinuha ko pa ang baril ko sa drawer at mabilis itong kinasa. Pumasok ako sa kuwarto niya ngunit hindi ko siya nakita kaya nagtungo sa ako sa kaniyang banyo at nakita ko siyang nakaupo sa bowl at nakababa ang kaniyang panty. Nanlaki pa ang mata ko at kaagad ko itong isinara. “Oh f**k! Bakit ka ba sumigaw?” wika ko pagkasara ko ng pinto. “S-sorry. P-puwede bang humingi ng pabor?” “What is it?” “Ahhm a-ano k-kasi eh” “What?!” sigaw ko sa kaniya. Dahan-dahan naman niyang binuksan ang pintuan at ulo lang niya ang nakalabas. Hindi naman siya makatingin sa akin ng deretso at parang nag-aalangan pa siyang sabihin ito. “P-puwede bang aaahm” “Speak up Trinity,” inis kong saad. “Pakibili mo naman ako ng napkin nakalimutan ko lang kasing bumili eh.” Napataas bigla ang kilay ko at sabay kamot ko sa aking kilay. “E bakit ka sumigaw kanina?” “Hindi ko kasi n-napansin na t-tinagusan na pala ako eh,” nahihiya niyang turan. “What?! f**k Trinity. Umalis ka ng may, what the? Oh Jesus!” Napabuntong hininga na lang ako at tinitigan siya. “Wait for me” “Sandali” Npahinto ako at aalis na sana nang tawagin niya ako. “What?” “With wings ha?” “With wings? Anong itsura no’n?” Konti na lang talaga ay maiinis na ‘ko sa kaniya. “Basta! May nakalagay naman do’n na with wings eh, saka puwede bang pakisamahan mo na rin ng feminine wash?” mahinang pagbigkas niya no’n Napabuga na lang ako ng malakas sa hangin at saka tumalikod na ako at lumabas na ng condo. Padabog naman akong pumasok sa aking sasakyan at napahilot pa sa aking sentido. “Kanina galit siya tapos uutusan niya ‘ko bumili ng napkin,” wika ko sa aking sarili. Pagkapasok ko naman sa convenience store ay hinanap kong kaagad kung ano ang pinabibili niya. Nakita ko naman ang isang naka plastic doon at baka ito na rin ang sinasabi niya. Ngunit nagtaka naman ako kung bakit ganito ang ilalagay niya sa ano niya. Napataas na lang ang kilay ko dahil sa inis at nagpipigil lang ako ng aking galit. Nagpunta naman ako sa counter para bayaran na rin ang pinamili ko at nagtanong na rin ako sa cashier kung meron ba silang with wings noon dahil wala namang nakalagay doon. Tumikhim muna ako bago nagsalita. “M-meron bang w-with ano, ahhm, with wings niyan?” nahihiya kong tanong sa cashier. “P-po?” sabay tingin niya sa binili ko. Pansin ko pa ang pagsilay nang ngiti niya at tila nagpipigil lang nang tawa. Narinig ko pa ang hagikhikan ng mga babae sa aking likod na siyang ikinataka ko naman. “Any problem?” masungit kong saad. Sumeryoso naman ang mukha ng cashier at binalingan ako. “Sir table napkin po itong binili niyo. Iyong nilalagay po sa ano nadoon lang po sa left side sa pinaka likod.” Napapikit na lang ako ng mariin sabay kagat ng ibabang labi ko. Kaagad akong tumalikod at kumuha na ng marami noon. Naalala ko namang bigla ang isa niya pang pinapabili kaya napatigil ako sa aking paglalakad papunta sa couter. “Oh f**k! Why am I doing this?” inis kong saad sa aking sarili. “Bahala na siya shampoo na lang ang ipanghugas niya” Nang mabili ko na ang kailangan niya ay nakasimangot naman akong pumasok sa aking sasakyan. Pabagsak kong inilagay sa passenger seat ang isang paper bag at matalim itong tiningnan. “Oh Jesus! Siya lang ang bukod tanging gumawa sa’kin nito.” Pagkasabi kong iyon ay pinaandar ko na ang aking sassakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD