Ilang araw din akong naka-confine sa ospital dahil kailangan ko munang magpagaling. Walang araw na hindi ko naiisip si Trinity pati na rin ang magiging anak namin. I totally miss her, I promise that I won’t let her cry again and hurt her anymore. Araw-araw ko siyang pasisiyahin at ibibigay sa kaniya ang pagmamahal na kaya kong ibigay. Inaayos ko na ang mga gamit ko at ngayong araw na rin ang labas ko sa ospital. Sa hideout muna ako tutuloy hangga’t hindi pa nakikita si Maurice at pinapahanap ko na rin ito sa aking mga tauhan. Tumunog naman ang telepono ni Roco at kaagad din naman niya itong sinagot. Mabilis siyang napabaling sa akin nang tingin at naka-kunot ang noong nakatitig sa akin na siyang ikinataka ko. “Okay, we’ll be there in a few minutes. Keep an eye of him, huwag niyong hahay