Napabalikwas ako nang pagkakahiga dahil wala na sa tabi ko si Gascon. Kaagad akong tumayo sa higaan at mabilis na lumabas ng kuwarto. Hinanap ko naman siya rito sa loob ng condo pero hindi ko siya makita. Bigla na lamang akong napatingin sa bandang kaliwa ko at nakita ko ang isang kulay itim na pinto at kunot-noo ko itong pinagmasdan. Ngayon ko lamang ito nakita kahit na matagal na rin akong nakatira rito pero hindi man lang ako nag-atubiling libutin ang kabuuan ng condo niya. Malawak masyado ito kumpara sa ibang condo na kadalasan nakikita ko sa mga magazine. Marahan akong naglakad patungo roon at nanginginig ang mga kamay ko na humawak sa seradura ng pintuan noon. Dahan-dahan ko itong binuksan at medyo may kadiliman ang loob noon. Nagdadalawang isip naman ako kung papasok ba ako roon d