Malakas akong napabuntong hininga nang makaupo na ako sa swivel chair dito sa aking opisina. Mariin akong napapikit habang hinihilot ko naman ang aking sentido, I felt so guilty dahil sa pag-iwas ko kay Trinity. Kaagad akong tumayo at kinuha ko kaagad ang cellphone ko na nasa aking bulsa at tinawagan ang kapatid kong si Roco. Ilang ring lang at kaagad naman din niya itong sinagot. Medyo may kaingayan nga lang sa lugar kung nasaan siya dahil kasalukuyang nasa bar niya siya ngayon. “Roco I need to talk to you!” sigaw ko para marinig niya ang sinabi ko. “What is it?” Hindi ako kaagad nakapagsalita dahil hindi ko alam kung paano ito sisimulan. “Can I go there?” “Masyado yatang personal ‘yan bro ah, nag-away ba kayo ni Trinity?” “Not that, actually I don’t know how to explain this to you