“Gascon!” I stopped walking and looked at who had called me.
Si Trevor na kabababa lang ng kaniyang sasakyan at nakasuot pa ito ng kaniyang formal attire. I suddenly raised my eyebrows because he doesn’t tend to wear that because he prefers simple pants and a simple t-shirt.
“f**k, I’m not going to wear this kind of s**t anymore,” mahinang reklamo niya nang makalapit na siya sa akin.
“So, why look so innocent? When you look like an idiot in that suit”
“f**k Gascon! Stop mocking me,” galit niyang wika.
“What are you doing here anyway?”
“Si mama ang nagpapunta sa’kin dahil gusto niyang magtrabaho rin ako sa kumpanya,” may halong inis niyang turan.
Nagtungo naman muna kami ni Trevor sa aking opisina at naupo sa mahabang sofa. Napapailing na lang ako nang tanggalin niya ang suot niyang suit at niluwagan pa ang kaniyang neck tie.
“Bakit gusto ka niyang magtrabaho rito?” Tumayo muna ako at kumuha ng alak at sinalinan ang aking baso.
“Alam ni mama na mabigat ang kalaban natin sa negosyo ngayon. And she wants me to help you in that situation”
“I can manage without the help of anyone,” sabay lagok ko ng alak at umupo sa pang-isahang upuan.
“How’s Trinity?” Natigilan ako at sinulyapan si Trevor na nakangisi sa akin.
I know him very well, at sa aming magkakapatid ay siya ang pinaka sira-ulo at siya rin ang pinaka wild pagdating sa babae. Ibinaba ko muna ang baso kong may lamang alak at humalukipkip sa kaniya ngunit tinawanan lang niya ako.
“What do you want to know?”
“Nothing Gas. Kinukumusta ko lang siya at wala naman sigurong masama roon”
“She’s fine”
“And?” Mas lalo akong nainis sa kaniya at alam ko kung ano ang hinihintay niyang isasagot ko.
“She’s young”
“I know she’s young Gas, what I mean is did you taste her?” Napabuntong hininga na lang ako at yumuko sabay hilot sa aking batok.
If he wasn’t just my brother, I might have blown his mouth. Tumayo na lang ako at nagtungo sa aking mesa at binasa na lang ang iba pang files na nakapatong doon. Sumunod na rin siya at naupo naman sa aking harapan.
“If you want to work here, stop annoying me,” sambit ko habang binabasa ang ilang files.
“Have you already forget her?” Natigilan ako at ilang lunok ang iginawad ko bago ko siya balingan nang tingin.
Seryoso niya akong tinitigan at saksi siya noon sa nangyari dahil siya ang kasama ko habang nakikipag barilan sa mga kalaban sa loob ng mall. Ibinaba ko muna ang binabasa ko at sumandal sa aking upuan. Pumihit ako patalikod sa kaniya at humarap sa aking malaking bintana na kita mula rito ang mga naglalakihang building.
“Do I have to forget her Trevor?”
“It’s been ten years already Gas, dahil sa kaniya naging halimaw ka na.” Napapikit ako at hinilot ang aking sentido.
And the worst is, I saw that child again and destiny was playing tricks on us. I don’t want to remember what happened back then, and the complicated thing that happened to her.
“I saw her Trevor,” wika ko habang nakamasid sa aking bintana.
“Who?” Pumihit muna ako para harapin siya at pansin ko sa kaniyang itsura ang pagtataka.
Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin ito sa kaniya dahil kung tutuusin ay hindi naman kasama ‘yon sa mga plano ko. Binuksan ko ang drawer ko na nasa gilid ko lang at nakita roon ang baril na ginamit ko noong magkagulo sa loob ng isang mall. Matagal na panahon ko ring tinago ito at matagal na panahon ko ring tiniis ang sakit, at tama si Trevor siya ang dahilan kung bakit ako naging ganito ngayon.
“Just leave me alone Trevor,” mahinang wika ko sa kaniya.
Tumayo na siya at naglakad na patungo sa pintuan. Napataas bigla ang kilay ko dahil hindi pa ito lumalabas at nakasandal lang sa hamba ng pintuan.
“Pakawalan mo na si Trinity Gascon bago pa mahuli ang lahat. She doesn’t deserve your evil heart masasaktan mo lang siya lalo na kapag nahulog na rin ang loob niya sa’yo. Kung gusto mong maghiganti sa tatay niya huwag mo siyang idamay.” Pagkasabi niyang iyon ay tuluyan na siyang lumabas.
Muli kong binalingan ang baril na nasa aking drawer at kinuha ito at ipinatong sa aking lamesa. Naka-ukit pa roon ang pangalan niya na pinasadya ko pang ipagawa.
“Why?” bulong ko sa aking sarili.
Maya-maya pa ay pumasok naman sa loob ng aking opisina ang aking sekretarya at may ibinigay sa aking isang maliit na sobre. Taka ko siyang tinitigan at muling binalingan ang sobreng hawak ko. Pinunit ko ang gilid nito at binasa ang nilalaman noon.
Napamura na lang ako sa aking isipan at nilakumos ang sulat pinalo ko pa nang malakas ang aking mesa. Napitlag naman sa gulat ang sekretarya ko at dali-dali itong lumabas sa aking opisina.
“f**k! You’re really trying my patience! Well then, I’m gonna kill you all!” sigaw ko at halos mamula na ako sa galit.
Bago ako pumunta sa hideout ay tinawagan ko muna ang iba kong mga tauhan na maghanda sila dahil may pupuntahan kami at alam kong hindi lang iyon basta usap lang at alam ko na kung ano ang sunod na mangyayari pagkatapos noon.
I walk faster into the hideout and saw my men were fixing their guns and my snipers were wearing their earpiece. Erick approached me and handed me my black gloves that I usually wear when we have a fight.
Pumunta ako sa isang malaking kuwarto kung saan naroroon ang mga baril ko at kinuha ko ang isang silencer at nilagyan na rin ito ng bala. Humarap pa ako sa salamin na nasa kaliwang bahagi ko at tinitigan ang kabuuan ko.
I don’t care what they think about me. Yes, I’m a monster, and I don’t want anyone to oppose me. I don’t care if they call me a murderer.
Lumabas na ako at handa na rin ang mga tauhan ko. Bago pa ako sumakay sa aking sasakyan ay narinig kong tumunog ang aking telepono. Kinuha ko ito mula sa aking bulsa at nakita kong si Austin ang tumatawag. Kaagad ko itong sinagot at pumasok na sa loob ng aking sasakyan.
“Yes Austin?”
“Nakauwi na siya boss.” Tiningnan ko ang relo kong pambisig at napamura ako sa aking isipan nang malaman na kakauwi lang niya.
“Okay I’ll talk to her tomorrow.” Pagkatapos kong makipag-usap sa kaniya ay pinaandar ko na ang sasakyan ko.
Huminto ako sa isang masukal na lugar at napangisi na lang at inaasahan ko na ang ganitong senaryo. Isa-isang bumaba ang mga tauhan ko at sumunod naman ako. Sumandal ako sa nguso ng aking sasakyan at pinagkrus ko pa ang aking mga braso at hinihintay na lumabas ang kalaban.
I have a strong feeling that they are just in the corner of this forest. My suspicion is correct, one by one our opponents came out and even pointed their guns at us. But we have no emotion while watching them and my people will not move as long as I have no command.
Lumapit naman nang bahagya ang isang lalaki na nakasuot ng sumbrero at naka mask at sinenyasan niya pa ang mga tauhan niya na ibaba ang kani-kanilang mga baril. Sinunod naman nila ito at lihim pa akong napabuga sa hangin.
“Gascon hindi ka pa rin talaga nagbabago. Handa ka pa rin sa ano mang laban at wala kang pinagkaiba sa iyong ama.” Pinanliitan ko siya ng mata at napakuyom ako ng aking palad dahil sa narinig mula sa kaniya.
It only means one thing, he knew my father and probably he’s the one who killed him. But I was surprised because he doesn’t look old and he only seemed to be my age. Even though I can’t see his face, it can be seen in his body.
“Why do you know my father?”
“It’s just simple. Malaki ang kasalanan ng tatay mo sa’kin”
“W-what?” taka kong tanong sa kaniya.
“Your father is a murderer. At katulad niya, isa ka ring mamamatay tao”
“How much do you know about me?! Yes, you’re right. I’m a killer, a murderer at kayang-kaya kitang patayin sa isang iglap lang!” galit kong turan sa kaniya.
“Pero hindi mo kaya ‘yang sinasabi mo”
“What do you mean?”
“Dahil oras na patayin mo ‘ko hindi mo malalaman ang katotohanan.” Napaayos ako nang tayo at walang kakurap-kurap ko siyang tinitigan.
I don’t know what does he mean. At natitiyak kong may kinalaman ito sa pagkamatay ng aking ama na matagal ko nang pinaiimbestigahan pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong makalap na impormasyon tungkol dito.
Lumapit sa akin si Julius at bumulong. “Boss ‘wag kang maniwala sa kaniya nililinlang ka lang niya.
“Now Gascon, you choose.” Sandaling katahimikan at hindi ko naman inaalis ang pagkakatitig sa kanila.
“Kill them in one shot,” mahinang wika ko sa aking earpiece na sapat lang marinig ng mga sniper ko na nagkalat sa paligid.
Bago kami pumunta rito ay pinakalat ko sila kung sakali mang magkaroon ng aberya. Kung mautak sila, mas mautak ako at hindi ako basta-basta nagpapauto sa kalaban.
Isa-isang natumba ang kalaban at doon na rin nagkagulo ang mga tauhan niya. Napangisi ako at tinutukan niya ako ng kaniyang pistol ngunit walang emosyon ko lang siyang pinagmasdan. Bahagya pa akong lumapit sa kanila at napatigil na lang ako ng itutok ng mga tauhan niya ang kani-kanilang mga baril sa akin.
“You’re a f*****g demon Gascon!” he said while pointing his gun at me.
“I know right. See this?” turo ko sa hawak kong baril. “Isa lang ang bala nito at sisiguraduhin kong mamamatay ka.” Bago niya pa paputukin ang baril niya ay sinenyasan ko na ang mga tauhan ko at sabay-sabay kaming nagtago sa likod ng aming sasakyan.
Sunod-sunod na putok ang iginawad nila sa amin at ibinigay pa ni Erick ang isang baril sa’kin. Ako naman ang nagpaputok at katulad noon ay parating sa ulo ang patama ko rito para siguradong patay na ito at iyon ang itinuro sa amin ng aming ama.
At nang maubusan na ako ng bala ay kaagad kong kinuha sa likod ng aking sasakyan ang shotgun ko na minana ko pa sa aking ama. Ito kasi ang madalas niyang ginagamit sa mga kalaban kaya naman ako lang at si Roco ang gumagamit nito.
Papuputukin ko na sana ito nang maunahan na niya akong barilin at natamaan ako sa aking kaliwang balikat. Natumba naman ako at nakita kong muli niya akong babarilin nang barilin na siya ni Julius na nasa aking likuran. Inalalayan niya akong makatayo at habang akay-akay niya ako ay nasa gilid ko naman si Erick na siyang bumabaril sa kalaban.
Nagtago kami sa likod ng puno at nakita kong panay agos ng dugo sa aking balikat. Hindi ko ito alintana at patuloy pa rin kaming nakikipagbarilan sa mga kalaban.
“Boss baka maubusan ka ng dugo kailangan na natin umalis,” ani ni Erick.
“Don’t mind me, ubusin na natin sila,” nakangiwing saad ko.
Nang lumabas kami sa pinagtataguan namin ay nagkalat na ang mga katawan ng kalaban at nakita kong papalayo na ang isang puting kotse at pinagbabaril pa ito ng aking mga tauhan. Hawak ko pa ang balikat ko na tinamaan at medyo nanghihina na rin ako.
“Enough!” sigaw ko sa kanila at doon lang sila tumigil. “Let’s go”
“Boss ako na ang magmamaneho ng sasakyan mo,” sambit ni Erick.
Tumango ako sa kaniya at sumakay na kami sa kani-kaniyang sasakyan. Kaagad kaming nakarating sa condo ko at dito na rin ako nagpahatid imbes na sa hideout. Iginiya ako ni Erick at Julius sa sala at si Erick naman ay kinuha ang medicine kit sa aking kuwarto.
Sa tuwing may ganito ay sila na ang gumagamot sa kanilang sarili kung hindi naman malala ang tama at kung kaya naman nila itong gawin. Pumikit muna ako dahil medyo nahihilo na rin ako dahil sa tama ng bala sa aking balikat.
“Teka anong nangyari sa kaniya?” Napamulat ako at nakita ko si Trinity na gulat na gulat at nakatingin sa aking balikat.
“Why you’re still awake?”
“Narinig ko kasi kayo kaya lumabas muna ako”
“Matulog ka na,” masungit na saad ko.
“I-iyong sugat mo”
“This is nothing, kaya na ng mga tauhan ko ito. Now go to your room.” Umiwas ako nang tingin at narinig ko na ang pagsara ng kaniyang pintuan.
Sinimulan nang gamutin ni Erick ang sugat ko at tinanggal niya ang bala sa aking balikat. At pagkatapos noon ay nilagyan niya ito ng benda.
“Mabilis silang nakatakas,” aniya Julius na nasa aking harapan.
“Who’s that f*****g guy?” may diing sambit ko.
“Walang nakakaalam Gascon, at natitiyak kong kilalang-kilala niya ang daddy mo,” wika naman ni Erick na inaayos ang mga ginamit niya.
“Kapag nalaman ko kung sino siya I’m gonna f*****g kill him!”
“Ang nakakapagtaka kung bakit hanggang ngayon wala pa rin balita sa tatay ni Trinity.” Mabilis napabaling ang tingin ko kay Erick at napasandal na lang ako sa couch at napabuga sa hangin.
“I have a feeling na may humaharang para hindi makita kung saang lupalop nagtatago si Roberto”
“What if kung tauhan niya pala ‘yon at inutusan lang niya na patayin ka rin?” Natigilan ako sa sinabi ni Julius at matamang nag-isip.
“Nasa akin ang alas, his beloved daughter.” Napakuyom ako ng aking palad at nagtatagis naman ang aking mga ngipin sa galit.
Once I caught him I’m gonna kill him too the way he killed my father in front of his daughter. Hindi ko palalagpasin ang ginawa niyang pagpatay sa aking ama.