CHAPTER 8

2226 Words
Dahil sa kuryosidad ay lumapit na rin ako sa ilang estudyante roon upang tanungin kung sino ang nabaril na ‘yon. Nakaramdam ako nang kaba na hindi ko mawari at para bang kilala ko na kung sino iyon. “Excuse sino po ‘yong nabaril daw na estudyante?” tanong ko sa isang lalaking estudyante. “Pagkakarinig ko Kenjie raw ang pangalan noong estudyante.” Nanlaki ang mga mata ko at napatingin bigla sa ambulansya na handa nang umalis. “Kawawa nga eh, walang nakakaalam kung sino ang bumaril sa kaniya,” sabi naman ng kasama niyang estudyante. “Binalingan ko silang muli at mangiyak-ngiyak ko silang hinarap. “S-saang o-ospital daw ba siya dadalhin?” “Teka miss kilala mo ba siya?” “O-oo k-kaibigan ko siya,” garalgal kong wika sa kanila. “Siguro malapit lang dito sa school natin siya dadalhin, try mo sa Southville Hospital” “Sige salamat sa inyo.” Kaagad akong pumara ng taxi para magtungo kung saang ospital dadalhin si Kenjie. Panay naman ang dasal ko na sana ay hindi matindi ang natamo niya at iniisip ko rin kung sino naman ang posibleng gumawa noon sa kaniya. Mabait si Kenjie at wala naman akong nababalitaang nakaaway nito para mangyari sa kaniya ang bagay na ‘yon. Nang nasa tapat na ako ng ospital ay dali-dali akong pumasok sa loob at nagtanong kung saan dinala ang pasyente na nabaril kanina lang. Tinuro naman nila ako sa operating room dahil kasalukuyang inooperahan na si Kenjie. Nakaupo naman ako sa mahabang upuan at hinihintay na lang lumabas ang doctor at para na rin masiguro ang kaniyang kaligtasan. Nagsisisi tuloy ako dahil sa ginawa kong pagtataboy sa kaniya tapos nangyari naman ang ganitong trahedya. Ilang oras pa ang lumipas ay dumating na rin ang doctor kaya kaagad akong tumayo at nilapitan ito. Huminga muna ako nang malalim bago ako nagsalita at taka naman siyang nakatitig sa akin na wari ko’y nagtataka kung sino ako. “S-si Kenjie po doc kumusta?” “Ah iyong nabaril ba?” tumango ako sa kaniya. “Well, he’s out of danger pero he’s in a coma right now” “C-coma p-po? P-pero bakit po? Kailan po siya magigising?” sunod-sunod kong tanong sa kaniya. “Dahil sa tama ng bala sa kaniyang likod ay nagkaroon din siya ng brain injury dulot ng pagkakabagsak niya. And the worst is hindi pa natin alam kung kailan siya magigising.” Bigla naman akong nanlata pagkasabi noon ng doctor. Nakita ko naman na palabas na si Kenjie sa operating room at tinutulak na siya ng iba pang nurse para dalhin na siya sa kuwarto. Marami ang mga nakakabit sa kaniya at bigla naman akong naawa sa itsura niyang iyon. Sumunod na rin ako kung saang kuwarto siya dadalhin at maya-maya pa ay kinausap naman ako ng doctor na siyang gumamot sa kaniya. “Miss kaano-ano mo ba siya?” “Kaibigan ko po siya,” malungkot kong wika at nakatingin naman ako kay Kenjie na walang malay. “Kailangan mong sabihin sa pamilya niya ang nangyari sa kaniya dahil hindi natin alam kung anong posibleng mangyari sa kaniya sa mga susunod na araw.” Napapikit naman ako at naluha dahil sa sinabing iyon ng doctor. Isa lang ang ibig sabihin noon ay posible siyang bawian ng buhay ano mang oras. Natigilan akong bigla nang maala ko ang mga katagang sinabi sa akin ni Gascon. Lihim akong napatutop sa aking bibig at tiyak may kinalaman siya sa pagkakabaril kay Kenjie. Kaagad kong tinawagan si Jhauztine para ipaalam sa kaniya na nadito ako sa ospital dahil ang totoo ay hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa mga magulang niya ang nangyaring ito kay Kenjie. “H-hello Jhauztine,” nanginginig kong wika. “O Trinity nasaan ka ba? Kanina pa kita hinahanap ah, nandito na ‘ko sa mall ngayon akala ko ba bibili tayo ng gamit para sa project natin?” sagot niya sa kabilang linya. “Jhauztine puwede ka ba pumunta rito sa ospital?” “Bakit? Ano nangyari sa’yo? Ayos ka lang ba?” “O-oo, s-si Kenjie kasi eh,” hirap kong wika sa kaniya. “Bakit anong nangyari sa kan’ya?” Imbes na sagutin siya ay mahina akong umiyak na mas lalo niyang ikinabahala. “Hoy Trinity! Saang ospital ba ‘yan at pupuntahan kita?” Sinabi ko naman sa kaniya kung saang ospital ako at pupuntahan na lang daw niya ako rito. Lumapit ako kay Kenjie at hinawakan ang kaliwang kamay niya na may dextrose. May nakakabit din sa kaniyang oxygen at bigla akong naawa dahil sa itsura niyang iyon. Wala siyang kamalay-malay sa mga nangyayari at ito rin ang dahilan kung bakit gusto kong umiwas sa kaniya para lang hindi siya mapahamak. Naalala ko naman na mayroon palang nagmamasid sa akin sa loob ng eskwelahan at siguro ay siya rin ang nagsabi kay Gascon at nakita niya ang tagpo namin ni Kenjie. Napayuko na lang ako at tahimik na umiiyak dahil kasalanan ko kung bakit siya naririto ngayon. Ilang sandali pa ay dumating na si Jhauztine at nagulat pa siya nang makita ang kalagayan ni Kenjie. Tumayo ako at niyakap siya pero hindi ko sasabihin sa kaniya ang dahilan kung bakit siya nabaril dahil si Gascon lang naman ang naisip kong gagawa nito. “Anong nangyari sa kaniya?” tanong niya nang maghiwalay na kami. “Hindi ko alam nalaman ko na lang na nabaril siya kaya nagpunta ako kaagad dito sa ospital,” naiiyak kong turan. “Jhauztine, ikaw na ang tumawag sa mga magulang niya kung ano ang nangyari sa kaniya dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila eh” “Huwag kang mag-alala ako na ang bahalang magsabi sa kanila, ‘wag ka nang umiyak magiging maayos din si Kenjie” “Jhauztine, comatose daw siya at hindi alam ng mga doctor kung kailan siya magigising” “Ano?! Oh my god Trinity,” gulat niyang turan at napatutop pa siya sa kaniyang bibig. Tinawagan na niya ang mga magulang ni Kenjie at nagalit pa raw ito dahil sa nangyari sa kaniyang anak. Hindi namin sila masisisi dahil napag-alaman namin na nag-iisang anak lang nila ito at ganito pa ang sinapit niya. Napatayo naman kami ni Jhauztine nang pumasok ang mga magulang ni Kenjie at kaagad nila itong nilapitan. Nagulat pa kaming dalawa nang makita si Cristel kasama nila at masama ang tingin sa amin, napayuko na lang ako dahil hindi ko kayang salubungin ang titig niya. “Anong nangyari sa anak ko?!” sigaw ng mama ni Kenjie. “N-nabaril daw po siya, h-hindi po namin kilala kung sino” “E bakit kayo nandito?! Saka bakit siya lang ang nabaril at hindi ikaw?” sabay duro sa’kin ni Cristel. “Hoy magdahan-dahan ka sa pananalita mo Chenchansoo ah! Baka nakakalimutan mo na si Trinity ang nagbantay kay Kenjie at nalaman na lang niya ‘yon nang nabaril na si Kenjie!” sigaw naman ni Jhauztine sa kan’ya. “So, utang na loob pa namin gano’n?!” Akmang susugurin ni Jhauztine si Cristel nang awatin ko siya sa kaniyang braso. “Tama na Jhauztine, umalis na lang tayo tutal nandito na rin lang sila eh,” bulong ko. Hinarap ko naman ang mga magulang ni Kenjie at pinagsiklop ko pa ang palad ko. Nanalalamig ito dahil masama ang tingin nila sa akin pero wala akong dapat ikatakot dahil wala naman talaga akong masamang intensyon. “Pasensiya na po, sabi po ng doctor comatose raw po s’ya at hindi alam kung kailan siya magigising” “What?! Sinong may gawa nito sa kaniya? Wala namang kaaway ang anak ko para ganituhin nila!” galit na saad ng kaniyang ina. “H-hindi rin po namin alam nakita ko na lang po na nabaril siya at kaagad akong nagtungo rito sa ospital” “Ikaw ba ang babaeng kinababaliwan ng anak ko?” Hindi ako nakasagot sa tanong niyang iyon bagkus ay nakayuko lamang ako sa kan’ya. “Umalis ka na dahil hindi kita gusto para sa anak ko!” Napaluha na lang ako dahil kahit na kaibigan lang ang turing ko kay Kenjie ay masakit pa rin para sa’kin ang sinabi niyang iyon. “Hindi niyo naman po siya kailangan ipagtabuyan! Pasalamat nga kayo at binantayan niya pa ang anak niyo eh! Kung anong buti ni Kenjie siya namang kasing sama ng ugali niyo!” sigaw ni Jhauztine na nasa aking tabi. “Anong sabi mo? Wala kayong modo!” “Pasensiya na po ma’am, aalis na po kami.” Hinila ko na si Jhauztine palabas ng kuwarto dahil baka mamaya ay kung ano pa ang masabi niya. Nasa labas na kami ng ospital at naghihintay na ng taxi nang magsalita naman si Jhauztine. Nakatulala lang ako sa kawalan at hindi na inintindi ang kaniyang mga sinasabi nang sikuhin niya ako kaya doon lamang ako napabaling nang tingin sa kaniya. “Hoy Trinidad ano bang iniisip mo? Iniisip mo ba ‘yong mga sinabi ng mukhang aswang na nanay ni Kenjie?” “H-hindi Jhauztine, naaawa kasi ako kay Kenjie eh” “Sino kaya ang gagawa sa kaniya no’n?” Napaiwas na lang ako nang tingin sa kan’ya dahil may ideya na ako kung sino lang ang posibleng gumawa sa kaniya noon. “Jhauztine mauna ka na umuwi may pupuntahan lang ako sandali” “Saan ka naman pupunta? Saka anong oras na maglalakwatsa ka pa?” “Basta may kailangan lang akong puntahan.” At nang may dumaan na taxi ay kaagad ko itong pinara at nagmamadali akong sumakay. Narinig ko pa ang ilan niyang pagtawag sa akin pero hindi ko na siya nilingon. Ngapakawala pa ako ng ilang pagbuntong hininga dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin kay Gascon. Natatakot ako sa posibleng mangyari sa akin once na nandoon na ako dahil binalaan na niya ako isang beses at baka maulit pa ang nangyari noong huli kong punta sa condo niya. Nang makarating na ako kung saan ang condo niya ay walang atubili akong nagdoorbell at maya-maya ay binuksan na rin niya ito. Kita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha at tinulak ko naman ang pinto para makapasok ako. Hinarap ko siya at sinamaan nang tingin. Hindi ko alam na ganito pala siya kasama at kayang-kaya niya pa talaga pumatay ng tao. “Ikaw ba ang may gawa no’n?” garalgal kong wika sa kaniya. “What do you mean?” “You know what I mean!” sigaw ko at doon na pumatak ang aking mga luha. “What if ako nga? Anong gagawin mo?” Tama nga ang hinala ko na siya ang may kagagawan noon kay Kenjie. “Isa kang demonyo Gascon! Bakit mo ginawa sa kaniya ‘yon! Hayop ka!” sabay suntok ko sa kaniyang dibdib. Hinawakan niya pa ang dalawang kamay ko at sinandal niya pa ako sa pader at inilagay sa aking ulunan. Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib dahil magkamali lang ako tiyak may mangyayaring hindi maganda sa akin. Pero mas lalo akong kinabahan sa huling katagang sinabi niya sa akin. Alam kong hindi siya nagbibiro dahil ang pagpatay nga ay kaya niyang gawin ang makuha pa kaya ako. “I will took your virginity whether you like it or not Trinity kaya huwag mong ubusin ang pasensiya ko,” may diin kong saad sa kaniya. Unti-unti siyang lumayo sa akin at pinagmasdan niya pa ang kabuuan ko. Nakasuot pa ako ng aking uniform dahil pagkagaling ko sa ospital ay dumeretso akong kaagad dito. “Aalis na ‘ko.” Tumalikod na ako at palabas na sa kaniyang condo nang haklitin niya ang braso ko kaya muntikan na akong mapasubsob sa kaniyang dibdib. “It’s getting late, you should sleep here.” Napabuga na lang ako nang malakas sa hangin at binawi ko ang braso ko na hawak pa rin niya. “Uuwi ako dahil hindi ko gustong makasama ka,” may diing sagot ko. Nanliit naman ang mata niya at bahagyang lumapit pa sa akin. “You don’t want it?” Napatingin na lang ako sa bandang ibaba niya nang sinimulan na niyang tanggalin ang kaniyang sinturon at hinagis na lang ito kung saan. Dahan-dahan siyang lumalapit sa akin at bawat paglapit niya ay napapaatras naman ako. Nakailang lunok pa ako at nagulat na lang ako nang lumapat na ang likod ko sa may pintuan. Tinukod niya pa ang dalawang kamay niya sa aking magkabilang gilid at bahagyang bumaba. “G-gascon ano sa tingin mo ang g-ginagawa mo?” nauutal kong saad. “I told you Trinity, I don’t want to be disobeyed,” paos niyang wika. Naamoy ko pa ang alak na nagmumula sa kaniyang bibig at bigla namang uminit ang pakiramdam kong iyon. Kailanman ay hindi ako humanga sa kahit na sinong lalaki at kahit na kay Kenjie pa. “Puwede ba pauwiin mo na ako?” “Stay here, don’t worry because I won’t touch you yet.” Pagkasabi niyang iyon ay saka lamang siya lumayo sa akin. Iyong t***k ng puso ko ay tila karera na nag-uunahan siguro ay dahil na rin sa kaba ko sa kaniya. Doon na lamang ako nakahinga nang maluwag nang umalis na siya sa aking harapan at hindi ko alam kung saang parte siya ng condo nagsuot dahil na rin nawala ako sa aking ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD