CHAPTER 7

1678 Words
“B-boss! May ibang bumaril kay Kenjie.” Napatingin akong bigla kay Erick na nakatutok pa lang ang baril niya sa labas. Ibinaba ko naman ang bintana ng sasakyan at tiningnan si Kenjie na ngayon ay nakahandusay na at wala nang malay. Nagpalinga-linga pa ako kung sino ang bumaril sa kaniya at nakita ko naman ang isang itim na kotse sa ‘di kalayuan sa amin. Kaagad na pumasok doon ang isang hindi kilalang lalaki at pinaharurot nito ang kaniyang sasakyan. “Erick sundan mo ‘yong sasakyan na ‘yon dali!” sigaw ko sa kaniya. Pinaharurot din niya ang sasakyan at sinundan namin kung sino ang taong bumaril kay Kenjie. Ang totoo niyan ay wala akong balak patayin siya, gusto ko lang na barilin siya sa ibang parte ng kaniyang katawan upang lumayo siya kay Trinity habang hindi ko pa siya nakukuha. Nagtaka naman ako kung sino ang posibleng gumawa sa kaniya noon. Napakuyom na lang ako ng aking palad at kinuha ko naman ang pistol ko at nilagyan ito ng bala. Huminto naman ito sa isang bakanteng lote na ikinataka naming dalawa ni Erick. Ilang minuto pa ang nilagi namin sa loob ng sasakyan at hinihintay bumaba ito ngunit kahit isa ay walang bumaba roon. Nagpasya na kami ni Erick na puntahan ito at kilalanin kung sino ang lalaking bumaril kay Kenjie. Hawak ko ang pistol ko habang naglalakad kami papunta sa sasakyang iyon at kinatok ko naman ang bintana noon habang nakatutok ang aking baril. Narinig ko ang pagbukas na ng pintuan at dahan-dahang bumaba ang isang naka itim na lalaki at may suot din itong itim na sumbrero. Parehong nakatutok sa kaniya ang baril namin ni Erick at hinihintay naman namin siyang magsalita. Pansin ko ang kaniyang pagngisi at parang balewala lang sa kaniya kung nakatutok man ang baril namin. Nagulat na lang kami ni Erick nang maglabasan ang mga lalaking naka itim at napapalibutan naman kami. Nakatutok ang kanilang mga baril sa amin at ano mang oras ay papuputukan nila kami, sinenyasan ko pa si Erick na nasa aking tabi para ibaba na ang baril. “Who are you?” may diing wika ko sa lalaki. “Why do you want to know?” “Why you shoot him?” “Concern ka ba sa batang ‘yon? If I know gusto mo rin siyang patayin ang kaso naunahan lang kita,” sabay ngisi niya sa akin. Nagtataka naman ako kung paano niya nalaman ang plano kong iyon unless kung kilala niya ako at minamanmanan niya ang bawat kilos ko. Napatingin naman ako sa kaniyang dibdib dahil may laser na nakatutok doon. Tumingin ako sa aking likuran at nakita ko ang isang lalaki na nakapuwesto sa may bubungan at kilala ko ang tindig niyang iyon kaya hindi ako puwedeng magkamali. But how did he know that we’re here? Muli kong binalingan ang lalaki at nakatingin naman ako sa mga tauhan niya na hindi pa rin ibinababa ang mga baril. Ako naman ang napangisi sa kaniya dahil mukhang tila hindi niya pa napapansin ang laser na nakatutok sa kaniyang dibdib. “One wrong move and you’ll be dead,” wika ko sa kaniya. “Is that a joke? Dalawa lang kayo kumpara sa mga nakapalibot sa inyo.” Tinuro ko naman sa kaniya ang laser na nakatutok sa kaniyang dibdib at hinanap niya kung saan ito nanggaling. “Now, kill me.” Umigting pa ang kaniyang panga at sinamaan pa ako nito nang tingin. Maya-maya pa ay nagulat na lang ako nang lumabas sa kung saan ang mga tauhan ko at itinutok din sa kanila ang kani-kanilang mga baril. “Ibang klase ka talaga Gascon Montealegre, iyong ginawa ko sa target mo paalala ko lang sa’yo ‘yon. Huwag kang mag-alala dahil hindi rito natatapos ang pagtutuos natin” “Whoever your boss is, sabihin mo sa kaniya na mas demonyo pa sa kaniya ang papatay mismo sa kaniya.” Pagkasabi kong iyon ay tumalikod na siya sa akin at sinenyasan na niya ang kaniyang mga tauhan na ibaba na ang mga baril nito. Sumakay na siya sa kotse niya at agad na pinaharurot ito at nakamasid naman kami ni Erick habang papalayo sila sa kinaroroonan namin. Namalayan ko na lang na nakalapit na pala sa tabi ko si Roco at tinapik ako sa kanang balikat ko. “Hey bro!” “What are you doing here?” kunot-noo kong tanong. “Nakita kasi kita na sinusundan mo ‘yon kaya sumunod na rin ako tinawagan ko na rin ang mga alipores mo,” nangingiting wika niya. “Who are they?” “Iyon ang kailangan mong alamin kung sino sila Gascon. At isa pa anong kinalaman mo sa lalaking binaril no’n kanina?” “Wala, it’s part of my plan” “Plan? What plan?” “You’re out of this Roco.” Tumalikod na ako at papunta na sa aking sasakyan ng muli siyang magsalita na ikinahinto ko. “Tungkol na naman ba ‘yan kay Trinity?” Humarap ako sa kaniya at mataman siyang tinitigan. Bumuntong hininga muna ako at bahagyang lumapit sa kaniya. “I want to catch his father at wala dapat maging sagabal sa plano ko kahit sino.” Tumalikod na ako at sumakay sa aking sasakyan Sumunod na rin si Erick at umalis na rin kami sa lugar na ‘yon at naiwan naman si Roco pati ang iba pa naming mga tauhan. Pagkarating ko sa aking condo ay dumeretso akong kaagad sa bar counter ko at nagsalin ng alak sa baso at inisang lagok ko lamang ito. At nang maubos ay muli ulit akong nagsalin, imbes na inumin ko ito ay binato ko ang baso sa pader. “f**k!” malakas na mura ko na halos lumabas na ang litid sa aking leeg. Malalakas ang aking paghinga dahil sa galit ko at dahil na rin sa hindi pa matiyak kung saang lupalop nagtatago si Roberto Algaser. I will never forget that day when and how my father was killed. And I will never forget the face of the man who killed my father, no other than Roberto Algaser. I had to use his only daughter just to catch him. Ginawa ko naman ang lahat para makita siya pero nabigo ako. Magaling siyang magtago at huwag lang siyang papahuli sa akin dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin siyang kaagad. Kinuha ko ang aking telepono at binuksan ang gallery noon. Tiningnan ko ang mga larawan ni Trinity na siyang ipinapadala naman sa akin ni Erick sa tuwing sinusubaybayan niya si Trinity. Masyadong maamo ang kaniyang mukha at higit sa lahat ay magandang babae na kahit na sinong lalaki ay magkakagusto sa kaniya. Gusto ko na siyang iuwi rito sa bahay at para maumpisahan ko na rin ang mga plano ko. Bigla naman sumagi sa isip ko kung sino ang bumaril kay Kenjie at kung paano niya nalaman ang tungkol sa pinaplano ko. Naisipan ko namang tawagan si Julius upang alamin ang kalagayan ni Kenjie. Nakaka ilang ring pa lang ay kaagad din naman niya itong sinagot. “Yes boss?” sagot niya sa kabilang linya. “Alamin mo kung saang ospital dinala si Kenjie and please report it to me immediately” “Copy boss.” Pagkatapos kong makipag-usap sa kaniya ay binaba ko na kaagad ang tawag at muling nagsalin ng alak sa baso. Maya-maya pa ay narinig kong tumunog ang doorbell at tinignan ko ang wall clock malapit sa akin. Alas onse na ng gabi at wala naman akong inaasahang darating at isa pa hindi pumupunta ang tauhan ko rito hangga’t hindi ko sila pinapapunta. Kinuha ko ang baril ko na nakapatong sa center table at kinasa ito. Nagtungo ako sa pintuan at marahang binuksan ito. Nagulat pa ako nang mabungaran si Trinity na masama ang tingin sa akin. Tinulak niya pa ang pinto at basta na lamang pumasok sa loob, hinarap niya ako na nanlilisik ang mga mata na ikinataka ko. “Ikaw ba ang may gawa no’n?” garalgal niyang wika sa akin. “What do you mean?” “You know what I mean!” sigaw niya at pumatak na ang kaniyang mga luha. Bahagya akong lumapit sa kaniya at pinagmasdan siya. “What if ako nga? Anong gagawin mo?” “Isa kang demonyo Gascon! Bakit mo ginawa sa kaniya ‘yon! Hayop ka!” sabay suntok sa aking dibdib. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya para pigilan ito at sinandal ko naman siya sa pader na ang dalawang kamay ay nasa kaniyang ulunan. Bumaba pa ako ng konti para naman magpantay kami at tinitigan siya. “Now you know who am I Trinity. That’s less than half of what I did to him, I already told you Trinity na ayokong sinusuway ako” “Pero bakit mo kailangan gawin sa kaniya ‘yon? He’s in a coma,” umiiyak niyang turan. Unti-unti naman akong lumayo sa kaniya na hindi inaalis ang pagkakatitig sa kaniya. Puno na ng luha ang kaniyang mga mata at nag-iwas naman ito nang tingin. “Kinausap ko na siya na layuan na niya ako, pero sana hindi mo na dapat siya pinakialaman! Wala kang puso!” Akmang aalis na siya nang hawakan ko ang kaniyang braso at inilapit sa aking katawan. Nagpupumiglas siya ngunit mahigpit ko siyang hawak sa kaniyang baywang. Inilapit ko pa ang mukha ko sa kaniyang tainga na ikinatigil niya. “This is my last warning Trinity at hindi ko na uulitin pa. No one else owns you but me, understood?” Lumayo ako at doon ko lamang siya binitawan at gulat na gulat naman ang kaniyang itsura. “At ano ang gagawin mo? Ipapapatay mo rin kung sino ang lumapit sa’kin ganoon ba?” “That’s too much babe.” Lumapit pa ako sa kaniya at pansin ko ang ilan niyang paglunok. “I will took your virginity whether you like it or not Trinity kaya huwag mong ubusin ang pasensiya ko,” may diin kong saad sa kaniya. Walang puwedeng magmay-ari sa kan'ya kung hindi ako, si Gascon Montealegre lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD