“Hey Gascon! Bakit ang aga mo naman akong__” Natigilan ang kapatid kong si Lucas pagkabukas niya ng pintuan at nakita niya ang babaeng nakahiga sa aking kama at may takip lamang na kumot.
Nagsusuot na ako ng aking t-shirt at nakita kong patayo na rin sa kama ang babaeng nakasiping ko kagabi. I don’t have any serious relationships at wala sa bokabularyo ko ang magseryoso. Minsan nga ay hindi ko na natatandaan ang mga babaeng nakakasiping ko at hindi rin naman importante sa’kin kung sino sila.
“Hindi ka ba marunong kumatok Lucas?” inis kong wika sa kan’ya.
“Well, I’m sorry hindi ko naman alam na may ginawa ka na namang kababalaghan kagabi,” ngisi naman niya sa’kin.
Nauna na akong lumabas ng kuwarto at iniwan ko muna doon ang babae. Sumunod naman sa akin si Lucas sa kusina at ako nama’y kumuha ng bottled water sa ref.
“Anong balita?”
“As usual hindi pa rin nakikita si Roberto Algaser.” Padabog kong ibinaba ang tubig sa lababo at binalingan si Lucas na nakasandal sa pader.
“Where the hell I can find him?!”
“Why don’t you focus on his daughter bro?” Sinulyapan ko naman si Lucas na may nakakalokong ngiti.
“What kind of look is that Lucas?” inis kong wika sa kan’ya.
“Are you sure Gascon na gagamitin mo lang si Trinity para mapalabas ang ama niyang si Roberto? O baka naman nahuhumaling ka na sa kan’ya?”
“You know me Lucas, I have no interest in any woman”
“Talaga ba? E bakit pinababantayan mo pa si Trinity kay Erick tapos ayaw mong lumalapit siya sa ibang lalaki, ano tawag mo do’n?” Hindi ko sinagot si Lucas at pumunta na lang ako sa sala at naupo sa mahabang sofa.
Umupo naman sa aking harapan si Lucas at hinihintay ang aking sagot. Napahilot na lang ako ng aking batok dahil kilala ko ang kapatid ko hindi niya ako titigilan hangga’t hindi ko sinasagot ang mga tanong niya daig pa niya ang abogado kung mag-usisa.
“Ok fine, I just don’t want anybody to interfere with my plan that’s it!”
“Baka sa huli ikaw na ang bumigay. Ikaw mismo ang mahulog sa sarili mong patibong.” Magsasalita pa sana ako nang sumulpot naman ang babaeng nakasiping ko.
“I’m going Gascon. Puwede mo ba akong ihatid sa bahay?” Umupo pa siya sa tabi ko at ikinawit ang braso niya sa’kin.
Tinanggal ko naman ito at tinitigan siya. Kita ko sa mukha niya ang pagtataka dahil hindi niya inaasahan na gagawin ko ‘yon sa kaniya. Wala pa akong babaeng sineryoso at ang tanging gusto ko lang ay ang maikama sila at pagkatapos noon ay hindi ko na sila kilala.
“You may go,” wika ko habang nakasandal sa couch at nakapikit.
“Hindi mo man lang ba ako ihahatid?” napadilat ako at hinarap siya.
Pansin ko ang masamang titig niya sa akin at nakahalukipkip pa ito. Ngumisi lang ako sa kaniya at naisuklay ko ang mga daliri ko sa aking buhok.
“Why should I? You’re not my girlfriend, you may now go.” Padabog siyang tumayo at tinungo ang pintuan at pabagsak niya pa itong sinara.
Napapikit pa ako at pagmulat ko ay nakita kong mahinang tumatawa si Lucas. Binato ko naman siya ng throw pillow dahil sa inis ko sa kan’ya.
“Bro, hindi mo yata na-orrient ‘yong babae mo,” natatawa niyang turan.
“Tigilan mo nga ako Lucas. Let’s go because I have a lots of meeting today.” Tatayo na sana ako nang magsalitang muli ang kapatid ko.
“May traydor sa kumpanya mo.” Natigilan ako at hinarap muli si Lucas.
“What did you say?”
“Lahat ng mga investors natin lumipat sa Andreano Corporation hindi mo pa ba nababalitaan ‘yon?”
“The f**k!” may diing mura ko.
“Call all the board members Lucas we will be having an important meeting. Malaman ko lang kung sino ang tumatraydor sa’kin, I will surely kill them!” galit kong saad.
Kaagad naman kaming pumunta sa kumpanya at pinatawag ni Lucas ang lahat ng mga board members. Pagkarating namin sa conference ay naroroon na ang iba at naupo naman ako sa aking puwesto at katabi si Lucas.
“What the hell is going on?!” sigaw ko sa kanila.
Halos lumabas na ang litid ko dahil sa sobrang galit at salubong ang kilay ko na nakamasid sa kanila. Isa sa kanila ang hindi makapagsalita na wari ko’y takot magsabi sa totoong nangyayari. Tumayo ang isang may edad ng board member at pansin ko na medyo kinakabahan siya.
“S-sir, a-ano po kasi. G-ganito po kasi ‘yon”
“Speak up! Ayoko nang paligoy-ligoy pa! Kung hindi niyo sasabihin sa’kin ang nangyayari mawawalan kayo ng trabaho!”
“S-sir, may malaking offer po ang Andreano Corporation at lahat po nang nag-invest sa atin lumipat po bigla sa kanila.” Napakuyom ako ng aking palad at mariing pumikit.
Napatayo akong bigla sa aking kinauupuan at itinukod ko ang dalawang kamay ko sa lamesa. Iisa lang ang kilala kong Andreano, iyon ay walang iba kun’di si Maurice Andreano ang mabigat kong kakumpetensya sa larangan ng negosyo. Hindi ako puwedeng magpatalo sa kan’ya at hindi ko hahayaang sirain niya ang kumpanya ko.
“Who told Andreano?” Matalim ko silang tinitigan pero ni isa sa kanila ay walang nagsalita. “Who is the traitor who told Andreano?!” sigaw ko na sa kanila.
Inilabas ko ang pistol ko at kinasa ito at ipinatong sa lamesa. Kita ko ang takot sa mga mata nila at ang ilan pa ay napatayo sa kanilang kinauupuan.
“Hey bro easy, baka dahil sa takot nila hindi lalo sila makapagsalita niyan,” baling sa’kin ni Lucas na prenteng nakaupo sa aking tabi.
“I’m asking you all one more time. If you haven’t tell me who is the traitor, I’m going to kill you one by one,” may diing wika ko sa kanila.
Tumayo ang isang may edad na lalaki at halatang natatakot ito. Pinunasan muna niya ang butil-butil niyang pawis sa kaniyang noo bago niya ako hinarap.
“Mr. Montealegre, s-si M-managing D-director Anthony po ang nagpa pull out ng mga investors,” nauutal niyang wika sa akin.
Napahilot ako ng aking sentido at umayos ako ng aking pagkakatayo. Kinuha ko ang aking telepono sa aking bulsa at tinawagan ang tauhan kong si Julius.
“Julius sa hide out tayo and bring Anthony there”
“Yes boss.” Binaba ko na kagaad ang tawag at muli kong hinarap ang mga empleyado ko. “Kapag naulit pa ito, you know what will happen to you.” Tinalikuran ko na sila at lumabas ng conference room at kasunod ko na rin ang kapatid kong si Lucas.
“What you gonna do to him?” tanong sa’kin ni Lucas habang papalabas na kami ng building.
“I’m going to kill that bastard!”
“Patay agad?” I stop walking and face him.
“The one who betrays me has no right to live Lucas.” Tumalikod na ako at kaagad naman akong sumakay sa aking sasakyan.
Si Lucas na muna ang pinapunta ko sa mga pending meetings ko at aasikasuhin ko naman ang dapat kong asikasuhin. Pagkarating ko sa hide out ay naroroon na ang iba ko pang mga tauhan at si Julius naman ay sinalubong ako.
“Boss nandiyan na po siya”
“Good.” Pumasok na ako sa loob at nakita ko naman siyang nakatali ang dalawang kamay sa likod ng upuan.
Umupo ako sa kaniyang harapan at pinag krus ko ang aking mga braso. Gulat niya akong tinitigan at wari ko’y alam na niya kung ano ang dahilan kung bakit siya naririto ngayon.
“S-sir, p-pasensiya na po kayo napilitan lang po ako patawarin niyo po ako sir!” pagmamakaawa niya.
“Do you know what I do to people who betray me?”
“S-sir bigyan niyo pa ‘ko ng isa pang pagkakataon”
“I don’t give second chance Mr. Anthony.” Sinuot ko ang aking black gloves at binigay sa’kin ni Julius ang kaniyang .44 Magnum na baril at tinutok ko ito sa kan’ya.
“Huwag po sir! Maawa ka po sa’kin. Pinapangako ko po hindi na mauulit ito! Bigyan niyo pa ‘ko ng isa pang pagkakataon,” umiiyak niyang turan.
“You like money huh? Puwes dalhin mo sa impyerno ang perang ibinayad sa’yo ni Andreano!” Magsasalita pa sana siya ng walang awa ko siyang binaril nang dalawang beses sa kaniyang hita.
Tumayo na ako sa aking kinauupuan at tinanggal ko na ang aking gloves at binalik na kay Julius ang baril. Tinitigan ko muna si Anthony at kita ko ang pagngiwi niya dulot nang pagkakabaril ko sa kaniya.
“Ano na po ang gagawin natin sa kaniya boss?” tanong sa’kin ni Julius.
“Gutumin niyo si Douglas at si Anthony ang magiging hapunan niya.” Pagkasabi kong iyon ay lumabas na ako at maya-maya pa’y tumunog naman ang cellphone ko at nakita kong si Erick ang tumatawag. “Yes Erick?”
“Boss kailangan niyong pumunta rito sa school ni Trinity”
“Why?”
“Binabantaan siya ng mga estudyante rito at hindi maganda ang trato sa kan’ya, at isa pa ‘yong lalaki na lagi niyang kasama sunod nang sunod na naman sa kan’ya.” Napamura na lang ako sa aking isipan at binaba na kaagad ang tawag.
Kaagad akong dumeretso sa school ni Trinity at nagpunta kung saan ko puwede makauap ang namamahala roon. Kasama kong pumasok si Erick at pansin ko ang titig sa amin ng bawat estudyante na makasalubong namin. Pagkapasok namin sa office ay naupo naman kami sa visitors’ chair at kaharap ng principal.
“Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo Mister?”
“Montealegre,” sagot ko sa principal.
“Mr. Montealegre what can I do for you?”
“I want to be the main sponsor of this school.” Walang paligoy-ligoy kong sagot na ikinagulat niya.
“W-well, Mr. Montealegre it’s good to hear that”
“There’s only one thing I want to happen in exchange”
“What is it Mr. Montealegre?” Seryoso ko siyang tinitigan at hinihintay naman niya ang aking isasagot.
“Trinity Algaser. Whoever bullies her, I want you to expel them from this school immediately.” Nanlaki pa ang mga mata niya at pansin ko ang ilang paglunok niya at saka tumikhim.
“Kamag-anak niyo po ba siya?”
“That’s not important. Gawin mo na lang kung ano ang gusto ko dahil kung hindi ikaw ang ipapatanggal ko bilang principal.” Tumayo na ako at kasunod ko na rin si Erick palabas ng opisina.
Nang makalabas na kami una kong nabungaran si Trinitry at kaagad naman itong tumalikod sa amin. Napangisi na lang ako at kaagad na umalis sa lugar na ‘yon.
“Ano pala ang gagawin natin sa Kenjie na ‘yon boss?” wika sa akin ni Erick ng nasa kotse na kami.
Saglit akong nag-isip at tumingin pa sa labas ng eskwelahan. Ayokong masira ang plano ko dahil may isang taong humadlang nito. I will use Trinity as bait to find her father and to kill him. He took my father’s life so his life will also be in exchange.
“Kill him Erick,” sagot ko sa kaniya at nasa labas ang aking tingin.