Pagkapasok ko ng aking kuwarto ay hindi ko namalayang dumugo na pala ang sugat ko kung hindi ko pa naramdaman na may tumutulong dugo sa aking braso. Napamura na lang ako sa aking isipan at kinuha sa cabinet ang medical kit at kaagad ko itong ginamot.
Pagkatapos ko itong gamutin ay nagsuot lang ako ng maluwag na t-shirt para kumportable ako at tinungo ko naman ang daan papunta sa underground nitong condo ko. Tanging mga kapatid ko lamang ang nakakaalam nito at maging si Julius at Erick.
Doon nakatago ang mga baril na ginagamit namin at karaniwan ay doon din kami nagmemeeting maliban sa hideout namin. Binuksan ko ito at kaagad namang bumungad ang mga iba’t-ibang klase ng mga baril.
Naglakad pa ako at huminto sa gitna. Pinagmasdan ko ito isa-isa at inilagay ang dalawang kamay ko sa bulsa ng aking jogging pants. Ang mga baril na minana ko pa sa namayapa kong ama ay talaga namang iningatan ko simula noong tumiwalag na si Roco sa pagiging Mafia Boss.
Sa dulo nito ay may isa pang kuwarto at iyon naman ay ako lang ang puwedeng pumasok at wala ng iba. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Dito ako naglalagi kapag namimiss ko siya at lalo na kapag naaalala ko ang masalimuot na sinapit ni Camilla sa mga kamay ng kalaban.
Hindi ko siya nagawang iligtas dahil mas inuna niya ang kapakanan ng batang muntik nang mamatay. Pabagsak akong naupo sa sofa at tumingin sa isang malapad na upuan kung saan madalas umupo si Camilla. Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang isang malaking tela at itinakip doon.
Sampung taon na ang nakakalipas pero bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya makalimutan. Hindi ko makalimutan kung paano siya pinaslang ng mga kalaban at katulad nag sinapit ng aking ama ay kita ko rin kung paano siya bawian ng buhay.
“Hindi ako titigil hangga’t hindi ko napapatay kung sino man ang pumatay sa’yo Camilla, and to my dad. I will surely make them dead,” wika ko sa aking sarili.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako rito at nagising na lamang ako dahil sa sikat ng araw na dumadampi sa aking mukha na nagmumula sa malaking bintana rito. Tumayo ako at kinusot ko pa ang aking mata at tiningnan ang orasan na nasa side table. Alas siyete na nang umaga, kaya kaagad naman akong lumabas. Hindi ko na rin magawang makapag hapunan kagabi dahil sa naging tagpo namin ni Trinity na sana’y sabay kaming kakain.
Pag-akyat ko naman ay nagtungo ako sa kusina upang magluto ng almusal. Nakasanayan ko na rin ito dahil simula nang tumira ako rito ay ako na ang nagluluto ng pagkain ko na noo’y si Camilla ang gumagawa.
Napahinto ako nang makita ang pagkain sa lamesa at halatang kaluluto lang nito. Ganito rin ang naabutan ko kahapon ngunit hindi ko na rin nakain dahil sa pagmamadali ko. Dahil sa ginagawa niyang ito ay mas lalo ko lang naaalala si Camilla na matagal ko ng gustong kalimutan.
Umupo ako at tinitigan ang mga pagkaing nakahanda at isa-isa itong tinikman. Masasabi kong magaling siyang magluto at hindi ko naman maiwasang ikumpara ito kay Camilla. Wala ako sa sarili kong naibaba ang kutsara at tumayo na lang ako para magtungo sa aking kuwarto.
I thought of calling Austin to find out what was going on with Trinity. I was wondering why he didn’t answer it right away.
“H-hello boss?” tumaas ang kilay ko dahil sa tono nang pananalita niya.
“How’s Trinity?”
“O-okay naman po boss, nasa school na siya ngayon”
“What happened to you?” takang tanong ko sa kaniya.
“P-po?”
“What happened to you Austin? Why do you speak like that?”
“W-wala po boss medyo masama lang po kasi ang pakiramdam ko eh,” mahinang saad niya.
“Okay, kapag hindi mo kaya si Erick ang ipapalit ko muna sa’yo”
“Okay lang po ako boss”
“Good. Make sure to keep an eye on her understood?”
“Yes po boss.” Pagkatapos kong makipag-usap sa kaniya ay si Trevor naman ang sunod kong tinawagan.
Dalawang ring pa lang ay kaagad naman niya itong sinagot. Naririnig ko pa ang ilang mga tao sa paligid niya na tila nagdidiskusyon at kasabay noon ay ang pagsigaw naman ni Trevor sa mga ito.
“Will you please shut up?! Kung hindi kayo titigil papupuntahin ko si Gascon dito at siya mismo ang babaril sa mga bibig niyo na kanina pa putak nang putak!” sigaw niya sa mga ito.
“What is happening there Trevor?”
“Gascon, where have you been last night?” Hinimas ko pa ang balikat ko na may tama ng bala.
“Why?”
“Nakalimutan mo na ba na may bidding ka kagabi?”
“Oh f**k!” malakas na mura ko sabay upo sa gilid ng kama ko.
“Gascon posibleng lumubog ang kumpanya at matalo ka na ng Adreano.” Mabilis akong napatayo pagkarinig sa pangalan ng aking kalaban.
“That could never happen Trevor!”
“Kaninong kandungan ka na naman ba kasi bakit hindi mo naalala ‘yon?” If I was just in front of my brother I would have hit him.
“Shut up Trevor!” Kinuwento ko naman sa kan’ya kung ano ang nangyari sa amin kagabi at posible ring tauhan iyon ng ama ni Trinity at pinagbabantaan na ako.
“So what is your plan?”
“I will show him what the real battle is.” Ibinaba ko na ang tawag at muli akong naupo sa aking kama.
Hapon na at naisipan ko namang tawagan si Trinity dahil alam kong tapos na rin ang klase niya. Ilang beses kong inulit itong tawagan ngunit hindi niya ito sinasagot. Napahilot na lang ako sa aking sentido at si Austin na lang ang akig tinawagan. Ilang ring lang ay kaagad naman niya itong sinagot.
“Austin, tapos na ba ang klase niya?”
“O-opo boss”
“So where is she?” Saglit siyang hindi nakasagot at tiningnan ko pa ang telepono kung naroron pa siya. “Austin where is she?” inis kong saad.
“K-kasama niya po ang kaibigan niya”
“Where is she Austin? Don’t lie to me ‘cause I can kill innocent people,” may diing sambit ko.
“Kumakain po sila kasama ang kaibigan niyang babae. Huwag po kayong mag-alala dahil hindi ko po magagawa sa inyo ‘yon”
“Good. Keep an eye on her and make sure to report it to me kapag may lumapit sa kan’ya na kahit sino maliwanag?”
“Opo boss.” Pagkatapos kong makipag-usap kay Austin ay bigla namang may nag-doorbell, dahil sa mga oras na ito ay wala naman akong inaasahang bisita.
Bago ko ito buksan ay kinuha ko muna sa drawer ko ang aking baril at lumabas sa aking kuwarto. Hawak ko sa aking kaliwa ang baril ko at nakahanda na akong buksan ang pintuan.
Pagkabukas ko naman ay sabay tutok ko ng aking baril dito na ikinagulat naman ni Lucas. Itinaas niya pa ang dalawang kamay niya at ngumisi sa akin.
“f**k Lucas! What are doing here?” sambit ko nang maibaba ko na ang aking baril.
“Wala na ba akong karapatang pumunta rito? May ibinahay ka lang ayaw mo na kami pumunta rito sa condo mo.” Inirapan ko lang siya at pumasok na ako sa loob at kumuha ng tubig sa ref.
“Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka rito?” wika ko pagkatapos kong uminom.
“Nabalitaan ko ang nangyari sa’yo. Buti na lang nabuhay ka pa,” sabay tawa niya at pabagsak kong ibinaba ang baso sa lababo.
“You know me Lucas, I’m a Montealegre.” Tinalikuran ko na siya at dumeretso naman ako sa sala at naupo sa mahabang upuan.
“Do you have feelings for her?” I quickly looked at him and raised an eyebrow.
“Who?”
“Sino pa ba? E ‘di si Trinity”
“That’s bullshit!” mahinang mura ko sa kaniya.
“I know you Gascon. Hindi ka naman gan’yan ka-possessive noon kay Camilla ah”
“Shut up Lucas. Huwag mo nang babanggitin pa ang pangalan niya,” sabay duro ko sa kan’ya.
Sa lahat ng mga kapatid ko si Lucas ang malakas ang pakiramdam lalo na tungkol sa tunay kong nararamdaman. He’s such a playboy at kahit na isang babaeng nai-date niya ay wala siyang sineryoso pero malakas siyang makaramdam at sasabihin niya sa’yo kung ano ang nasa isip mo.
“Sampung taon na ang nakalipas Gascon at alam ko na nasasaktan ka pa rin sa pagkawala niya pero ang puso mo nasa iba na tama ba ako?” Hindi ko siya sinagot at sa ibang direksyon lang ako nakatingin.
Kahit kailan ay hindi pa ako umamin nang nararamdaman sa mga kapatid ko lalo na ang tungkol kay Camilla. Ang totoo ay matagal ko nang natanggap na hindi na kailanman babalik si Camilla pero hanggang ngayon masakit pa rin ang pagkawala niyang iyon. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala ko si Trinity, I know there is something inside of me that I can’t explain.
“Am I right kuya?” Sinamaan ko siya nang tingin dahil sa mapang-asar niyang tawag sa akin.
“Pumunta ka lang ba rito para buwisitin ako?”
“Nope, para kumustahin ka kung humihinga ka pa. At saka ipapaalam ko na rin si Trinity kung puwede.” Napaayos akong bigla sa aking pagkakaupo dahil sa narinig kay Lucas.
“What did you say?”
“Since wala naman kayong relasyon at ang pakay mo lang naman sa kaniya ay maghiganti sa tatay niya, baka puwede ko siyang yayain lumabas?” Kinuha ko ang baril ko na nakapatong sa lamesa at itinutok ito sa kan’ya.
“I said don’t touch my property Lucas. Pumapatay din ako ng kapatid.” Malakas siyang tumawa na mas lalo kong ikinainis.
“Gascon, alam ko ‘yon! Pag-aari mo na siya when she is only fourteen years old. f**k Gascon ang hilig niyo sa bata ni Roco. Ano bang lasa ng bata? Wala pa namang alam ‘yon,” naiiling niyang saad.
Pabagsak kong ibinaba ang baril ko at napabuga na lang nang malakas sa hangin. Kahit kailan talaga si Lucas ay walang preno ang bibig palibhasa araw-araw ibang babae ang nakakasalamuha.
“Get out, bago ko pa pasabugin ‘yang bibig mo”
“Hintayin mong mag-eighteen Gascon ‘wag mo muna wawasakin ang kuweba,” natatawa naman niyang turan.
Hindi ko na siya pinansin at narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan. Totoo naman ang sinabi niya, hindi ako ganito kay Camilla noon pero alam kong minahal ko siya. And what is even more shocking is that she is the child that Camilla saved then.
Naihilamos ko na lang ang aking palad sa aking mukha at pabagsak na sumandal sa sofa. She’s not in my heart anymore but what I can’t forget is how she lost her life and I want to get revenge on the people who did that to her.
I don’t know the feeling when I first saw Trinity. Pinahanap ko siya at pinasubaybayan dahil siya ang anak ng taong pumatay sa aking ama. I want to get revenge to her father. She’s young back then at gagamitin ko siya laban sa kaniyang ama. I try to control my feelings but I can’t help it, Lucas is right. Pero itutuloy ko pa rin ang paghahanap sa kaniyang ama at hindi magbabago ang isip ko na maipaghiganti si daddy.
Dahil sa kung ano-ano ang tumatakbo sa isip ko kanina lang ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sofa. Nagising lang ako nang tumunog ang telepono ko at kinuha ito na nakapatong sa ibabaw ng center table. Hindi na ako nag-abala pang tingnan kung sino ang tumatawag at sinagot ko na lamang ito.
“Hello?”
“Boss si Trinity po.” Tinignan ko ang screen ng telepono ko at nabasa ko ang pangalan ni Austin.
“What about her?”
“Nasa bar po kasama ang kaibigan niya”
“What?!” Napatayo ako at parang nagising akong bigla dahil sa narinig mula kay Austin. “Tell me where the f**k she is!” sigaw kong muli.
Nagmamadali akong nagpalit ng damit at binitbit ko ang aking pistol at mabilis na umalis sa aking condo. Pagkarating ko sa mismong bar ay pinasadahan ko muna ito nang tingin at umigting ang aking panga pagkabasa rito.
“What the f**k Trinity, what the hell are you doing here?!” galit kong saad sa aking sarili. “Ngayon mo subukan ang galit ko Trinity, I don’t really care even if you beg. This is not the right time but you try my patience!” Pagkasabi kong iyon ay pumasok na ako sa loob ng bar.