Natapos ang unang klase ko ay nagtungo muna ako sa banyo. Nasa loob ako ng cubicle at umiihi nang makarinig ako ng dalawang estudyante na nag-uusap. Hindi muna ako kaagad lumabas at pinakinggan ang kanilang pinag-uusapan.
“Grabe expelled na pala si Cristel Chen?”
“Oo ‘no! sampalin ba naman niya ang loser na si Trinity at binugbog niya pa ito.” Napatutop na lang ako sa aking bibig dahil sa narinig sa kanila.
“Saka bakit siya ma-eexpelled ‘di ba sponsor ang mga magulang niya rito?”
“Oo nga eh, alam naman ng lahat na bully siya pero this time ang katulad lang ni Trinity ang magpapaalis sa kan’ya nang tuluyan.” Napayuko na lang ako habang nakasandal sa pader at nakikinig sa kanilang usapan.
Tiniyak ko naman na nakaalis na sila at saka lamang ako lumabas sa cubicle. Nakagat ko pa ang hinlalaki ko dahil iniisip ko na na-expelled si Cristel dahil sa’kin at malamang ay balikan niya ako dahil sa nangyari sa kan’ya. Hindi ko naman gustong mangyari ‘yon sa kan’ya dahil sanay na rin naman ako na parating pinag-uusapan dito.
Nakayuko akong naglalakad ng may humarang sa aking harapan at nakita ko ang suot niyang white rubber shoes na mukhang mamahalin pa. Dahan-dahan akong nag-angat nang tingin at napaawang ang mga labi ko nang mamukhaan kung sino ang nasa aking harapan.
Nakangiti siya sa akin at ako nama’y titig na titig sa kan’ya. Napalunok pa ako at nag-iwas na lang sa kaniya nang tingin at muling yumuko dahil sa hiya.
“Dito ka pala nag-aaral?” muli ko siyang binalingan.
“O-oo,” tipid kong sagot.
“By the way I’m Maurice,” sabay lahad niya ng kaniyang palad.
Tinitigan ko muna ito at tumingin muna sa aming paligid. Napatingin din siya sa kaniyang likuran at mahinang napatawa na ikinataka ko naman.
“B-bakit?”
“May magagalit ba kaya ka ganiyan?” nakangiting saad niya.
“H-ha?”
“Nangangalay na itong kamay ko oh,” sabay nguso niya.
Tiningnan ko naman ang kamay niya na nakalahad pa rin sa akin at hinihintay na tanggapin ko ito. Nakipag kamay na rin ako sa kan’ya at masasabi kong napaka lambot ng kamay niya at mukhang mayaman din siya.
“T-trinity,” nahihiyang sambit ko.
“Nice name Trinity.” Binawi kong kaagad ang kamay ko nang mapansin ko ang ilang estudyanteng papalapit sa aming kinaroroonan.
“Sir!” sigaw nila at napalingon naman siya rito.
Taka ko siyang tinitigan at napataas ang aking kilay dahil sa tawag ng mga estudyante sa kan’ya. Tumingin muna sila sa akin at umirap pa ang isa at muling binalingan si Maurice na halos mapunit na ang kaniyang labi sa pagkakangiti sa kan’ya.
“Ito sir para sa inyo oh!” Abot ng isang matabang babae at halatang nagpapa-cute ito sa kan’ya.
“S-salamat, ‘di ba may klase pa kayo?”
“Meron pa nga sir, pero sana kayo na lang ulit ang teacher namin. Ang boring kasi magturo si Sir Deo eh!” nakangusong wika naman ng medyo maliit na estudyante.
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kaniya. Hindi ko akalain na isa pala siyang guro rito sa paaralan at ngayon ko lamang siya nakita. Natawa naman siya sa mga estudyante at napatingin sa akin, yumuko na lang ako dahil sa hiya at aalis na sana nang marinig ko namang magsalita ang isang estudyante na umirap sa akin kanina lang.
“Sir Mau, bakit kausap mo ang loser na ‘yan?” Nag-iwas ako nang tingin at ramdam ko ang titig nilang lahat sa akin.
“Sino? Si Trinity ba?” tanong niya sa mga ito.
“Sino pa ba ang loser dito sir? Isa kasi siyang malandi! Ambisyosa kasi masyado eh. Pati si Cristel napatalsik dito ng dahil sa babaeng maharot na ‘yan.” Napapikit na lang ako at tila maiiyak na dahil sobra na ang pagpapahiya nila sa akin.
Kaya ko naman tanggapin ang mga panlalait nila sa’kin dahil sa kagustuhan ko na ring makatapos ng pag-aaral ko. Sarili ko na lang ang inaasahan ko ngayon dahil pangarap kong gumanda ang buhay ko para hindi na rin aalis si papa kung sakali mang magkita kami balang araw.
“Bakit niyo siya tinatawag na ganiyan? Saka isa pa masama ang nagbibintang sa kapwa niyo,” ani nito sa mga estudyante.
“She looks so innocent on the outside pero isa siyang pokpok!” wika naman ng isa at humalukipkip pa ito.
Tinalikuran ko na lang sila at mabilis na naglakad sa kanila palayo. Narinig ko pa ang pagtawag ni Maurice ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Nagtungo ako sa roof top at doon ay payapa akong huminga. Sumandal pa ako sa pader at taimtim na pumikit habang sapo ko ang aking dibdib.
Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng aking luha sa aking pisngi at nagmulat ako. Hinawakan ko ang kuwintas na suot ko at tumingin sa kalangitan.
“Bakit kailangan kong maranasan ito? Ano ba ang nagawa kong kasalanan bakit niyo pinaparanas sa’kin ang hirap?” mahinang wika ko at patuloy ang pag-agos ng aking mga luha.
Dahil sa nangyari kanina ay hindi na ako nakapasok sa mga sumunod kong klase at kahit na tinatawagan ako ni Jhauztine ay hindi ko na ito sinasagot. Nang magdapit hapon na ay saka lamang ako bumaba at alam kong nakauwi na rin ang iba pang mga estudyante.
Palabas na ako ng campus ng may tumawag naman sa akin at napahinto ako sa aking paglalakad. Hindi ko siya nilingon pero kilala ko ang boses na ‘yon at mahigpit kong nahawakan ang bag pack ko.
Pumunta siya sa aking harapan kaya nag-angat ako nang tingin sa kaniya. Nakangiti siya sa akin at mas lalo pa siyang gumwapo nang mapansin ko ang kaniyang dimple sa kaliwang pisngi. Tumikhim na lang ako at umiwas sa kaniya nang tingin dahil baka isipin niya pang may gusto ako sa kaniya.
“Bakit hindi ka pumasok kanina?”
“P-po?” takang tanong ko sa kaniya.
“Kumain ka na ba?”
“H-ho?” mahina naman siyang natawa at napakamot pa sa kaniyang ulo.
“Wala na ba akong ibang maririnig sa’yo kun’di po at ho?”
“S-sorry po sir,” nahihiyang turan ko.
“Let’s go somewhere else”
“Pauwi na po kasi ako sir eh,” tanggi ko sa kaniya.
“I’m sure hindi ka pa kumakain simula kanina. Don’t worry my treat”
“Busog pa naman po ako.” Pagkasabi kong iyon ay biglang tumunog naman ang aking tiyan.
Napahawak ako rito at mariing kinagat naman ang aking ibabang labi dahil sa pagka pahiya. Mahina pa siyang tumawa kaya napadako sa kan’ya ang aking atensyon.
“Let’s go Trinity baka dahil sa gutom mo bigla ka na lang mag-collapse,” nakangiting turan niya.
Tumingin pa muna ako sa paligid kung may nakamasid sa akin at wala naman akong napansing kahina-hinala at nagtaka ako dahil hindi na rin ako pinapabantayan ni Gascon. Siguro naman ay makakahinga na ako nang maayos at makakagalaw na rin na walang iniisip kung may nakamasid ba sa akin.
“S-sige po.” Naglakad naman kami at dinala niya ako sa isang restaurant malapit lang dito sa school.
Pumwesto naman kami sa hindi masyadong matao at tinawag na niya ang waiter. Habang kausap niya naman ang waiter ay panaka-naka ko siyang pinagmamasdan. Hindi siya mukhang teacher sa itsura niya at mas mukha pa itong business man at mukha rin itong mayaman.
Nawala lang ang pag-iisip kong iyon nang balingan niya ano nang tingin kaya napaayos na lang akong bigla sa aking pagkakaupo. Napakamot na lang ako sa aking noo at tumingin na lang sa kung saan.
“Ikaw Trinity, what do you want?” Mabilis akong napabaling nang tingin sa kaniya at hinihintay ang isasagot ko.
“I-ikaw na ang bahala. Okay naman ako kahit ano eh”
“Are you sure?” tumango lang ako sa kaniya at tipid na ngumiti. “Siya nga pala bakit galit sa’yo ang mga kapwa mo estudyante?” wika niya at uminom naman ng tubig.
“Hindi ko rin alam eh, siguro dahil sa mahirap lang ako,” malungkot kong saad.
“Kahit na Trinity, hindi dapat sila ganoon sa’yo”
“Okay lang sir sanay na naman ako eh. Ang importante lang sa’kin ay makapag-aral ako”
“Nasaan pala ang mga magulang mo?” Natahimik akong bigla at hindi alam kung ano ba ang isasagot sa kan’ya.
Ayoko nang malaman pa ng ibang tao ang pinagdaanan ko at kung paano ako napadpad sa bar at kung ano ang naging trabaho ko. Ayoko nang kumalat pa ito at mag-iba ang tingin sa akin ng mga tao. Tama na ang tanggap ako ni Jhauztine at naiintindihan niya ako dahil tanging siya lang ang pinagkakatiwalaan ko sa ngayon.
“W-wala na akong mga magulang,” sambit ko at nilaro-laro ko ang mga daliri ko na nakapatong sa aking hita.
“G-ganoon ba? I’m sorry.” Binalingan ko siya at mapait na ngumiti.
“Okay lang po. Saka pasensiya na po pala noong nakaraan nagmamadali lang po kasi talaga ako saka hindi ko naman po kasi alam na teacher po pala kayo rito”
“It’s okay. Actually I’m a temporary teacher siguro one or two months lang akong magtuturo”
“Bakit po?” Sumandal siya sa kaniyang upuan at humalukipkip.
Pansin ko naman ang namumutok niyang mga muscle dahil sa suot nitong simpleng polo shirt at bigla akong napalunok na para bang natuyuan ako ng laway sa aking lalamunan. Napainom akong bigla ng tubig at nagpakawala ng mahinang buntong hininga.
“Sa ibang school talaga ako naka destino nakiusap lang sa’kin ang director nitong school which is kaibigan ko rin naman na baka puwedeng ako raw muna ang pumalit sa isang teacher na nag-resign habang hindi pa nakakahanap ng kapalit”
“Ah,” tipid kong sagot.
Naputol lang ang pag-uusap namin nang dumating na ang pagkain namin. Tahimik lang kami at panaka-naka ko naman siyang tinititigan. Hindi ko maiwasang ikumpara siya kay Gascon kahit na pareho lang din naman silang maganda ang pangangatawan at hindi naman nalalayo ang kanilang edad.
Si Sir Maurice ay parati kong nakikitang nakangiti at mukhang maginoo rin naman kahit na hindi ko pa naman siyang lubos na nakikilala. Samantalang si Gascon ay una pa lang nakakatakot na kung makakabangga mo siya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang unang pagkikita namin sa bar at nang bilhin niya akong kaagad.
Nang matapos na kami kumain ay kaagad na kaming lumabas at narinig ko naman ang pagtunog ng aking telepono. Kinuha ko ito sa aking bag at nakita kong si Gascon ang tumatawag. Biglang nanlaki ang aking mga mata at medyo nakaramdam nang takot dahil baka pinasusundan na naman niya ako.
Tumukhim muna ako bago ito sagutin. “H-hello?”
“Where are you?” Halata naman sa boses niya na parang medyo nahihirapan pa siya dahil sa tinamo niyang tama ng bala sa kaniyang balikat.
“P-pauwi na ko,” nauutal kong wika.
“I’m asking where are you?”
“N-nasa school pa, pero pauwi na rin ako”
“It’s already six in the evening and you’re last class is four in the afternoon. What did you do in that two hours?” Mahigpit kong nahawakan ang telepono ko at napabaling ang tingin ko kay Sir Maurice na ngayo’y nagtataka sa akin.
“Ahhm, may ginawa kasi ako sa school kasama ko si Jhauztine.” Hindi ko alam kung maniniwala ba siya sa akin kaya halos hindi na ako makahinga habang kausap naman siya.
“Okay, umuwi ka na kaagad.” Pagkasabi niyang iyon ay binaba na niya ang tawag at napatingin na lang ako sa aking cellphone.
“Who’s that?” Napapitlag ako nang magsalita si Sir Maurice na nasa aking tabi lamang.
“H-ha? Ahhm ano kasi__”
“Boyfriend mo?”
“Hindi ah!” mabilis kong tanggi. “Amo ko siya, katulong kasi ako sa bahay nila at siya kasi ang nagpapaaral sa’kin kaya medyo mahigpit siya”
“Ganoon ba? Kaya pagbutuhin mo ang pag-aaral mo para naman wala silang masabi sa’yo.” Tipid naman akong ngumiti sa kaniya at nagpaalam na rin na mauuna na akong umuwi.
Ihahatid pa sana niya ako ngunit tinanggihan ko na siya ayokong may makakita pa sa aming iba lalo na ang mga estudyante sa University dahil tiyak malaking issue na naman ito sa kanila. Namamawis naman ang mga kamay ko habang tinatahak ko ang daan papunta sa unit ni Gascon, ganito na ako parati simula noong tumira ako rito kasama siya.
Nasa tapat na ako ng unit niya at huminga muna ako nang malalim bago ko buksan ang pintuan. Dahan-dahan ko namang pinihit ang seradura at binuksan ang pintuan. Pagkapasok ko ay hindi ko siya nakita sa sala kaya medyo nakahinga ako nang maluwag dahil baka naroon siya sa kaniyang kuwarto.
Hahakbang na sana ako para magtungo naman sa kuwarto ko nang bumukas naman ang pintuan ng kuwarto niya at halos magkatapat lang ang aming kuwarto. Napalunok ako ng wala sa oras at mabilis napaiwas nang tingin dahil tanging tuwalya lang ang nakatakip sa kaniyang baywang at bagong ligo rin ito.
Ramdam ko ang kaniyang paglapit at mabilis ang pagdagundong ng aking dibdib at hindi ko pa rin siya tinitingnan. Kita ko naman siya sa aking gilid at napahawak na lang akong bigla sa laylayan ng aking blouse.
“What took you so long?” paos niyang wika.
“S-sorry may g-ginawa lang kasi kami sa school kaya medyo ginabi ako,” kinakabahang saad ko.
“Did you eat?” Mabilis napabaling ang tingin ko sa kaniya at mas lalong bumilis ang pagdagundong ng aking dibdib sa kaba.
Nakaawang lang ang labi ko at nakatitig lamang sa kaniya at hindi malaman kung ano ang aking sasabihin. Alam kong pinasusundan niya ako ng lihim at kung patuloy akong magsisinungaling sa kaniya ay tiyak ito na ang katapusan ko.
Lumapit pa siya sa akin nang bahagya at napaatras naman ako. Hindi ko na magawa pang umatras nang maagap niya akong hapitin sa aking baywang kaya napakapit ako sa dalawa niyang braso. Ramdam ko naman sa aking puson ang kaniyang kaumbukan at paniguradong hindi lang ito basta malaki, kun’di mamamatay ako rito kapag nagkataon.
“What if I take you now?” Nagulat ako sa kaniyang sinabi at pinasadahan niya pa ng kaniyang dila ang ibabang labi niya.
“G-gascon”
“Say please and I will do it right here, right now Trinity”
“N-no Gascon!” Nagpupumiglas ako ngunit mahigpit ang pagkakakapit niya sa aking baywang.
Mangiyak-ngiyak ko siyang tinitigan ngunit nginisian lang niya ako at doon lamang niya ako binitawan. Napapikit na lang ako nang mariin at pagkuwa’y tinitigan siya nang masama at mabibilis ang aking paghinga.
“I’ll take it easy from now until you turned eighteen. And I think it’s three weeks from now, am I right Trinity?” Napakuyom ako ng aking palad at doon na pumatak ang aking mga luha.
“Huwag mo akong iyakan, dahil hindi ako nadadaan sa pag-iyak.” Pagkasabi niyang iyon ay tumalikod na siya at naiwan naman akong tulala at nakatingin lang sa pintuan ng kuwarto niya.
Napayuko naman ako at napansin ang ilang patak ng dugo sa sahig at wari ko’y galing ito sa sugat niya sa balikat. Naalala ko na napalo ko siya sa kaniyang braso at natamaan ang sugat niya kaya ito dumugo.
“Bagay lang sa’yo ‘yan demonyo ka kasi,” may diing wika ko at padabog naman akong pumasok sa aking kuwarto.