CHAPTER 3

2470 Words
Maaga akong gumising upang maghanda para pumasok sa eskwela. Kinuha ko ang uniporme ko na naka sampay sa tapat ng electric fan dahil iisa lang naman ang uniporme na ginagamit ko. Pagkauwi ko galing sa eskwelahan ay lalabhan ko ulit ito para may magamit naman ako kinabukasan. Naalala ko ang perang inabot sa’kin ni Ate Josie kagabi at bigay daw iyon ni Gascon sa’kin. Kinuha ko naman ito sa aking bag at binilang. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa laki ng perang binigay niya sa’kin at sobra-sobra pa ito sa allowance ko. Ipinilig ko ang aking ulo at nagtaka kung ano ba ang pakay niya sa akin at bakit ganoon na lamang ang malasakit niya sa akin. Muli kong inilagay ang pera sa bag ko at tinungo na ang banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay kaagad akong nagbihis ng pamasok ko at nagtimpla ng kape. Kadalasan ay bumibili na lang ako sa daan ng almusal at kakainin ko habang nasa byahe ako papunta sa school. Dadaan muna ako sa tindahan ni Aling Pasing para bumili ng dalawang puto na almusal ko. Pagkarating ko sa tindahan nila ay marami na ring customer ang kumakain doon. Kaagad akong napansin ni Aling Pasing at malapad na ngumiti sa’kin. “Ikaw pala Trinity, anong bibilhin mo?” “Dalawang puto lang po Aling Pasing” “Naku ikaw talagang bata ka. Hindi ka mabubusog sa dalawang puto lang. Oh heto dinagdagan ko ito ng tatlong balot na suman at isang balot na kutsinta,” sabay abot niya sa’kin ng supot. “Aling Pasing nakakahiya naman po ayos na po sa akin ang dalawa saka busog pa naman po ako eh” “Sige na tanggapin mo na ito. At saka ang payat-payat mo hindi ka yata nakakakain ng tama eh.” Kahit nahihiya ako ay tinanggap ko na rin ito. Kaya minsan ayokong dumaan dito dahil palagi na lang akong binibigyan ni Aling Pasing at ayoko rin namang samantalahin ang kabaitan niya. Alam kong naaawa siya sa akin dahil mag-isa ko lang tinataguyod ang sarili ko para mabuhay at matustusan ang aking pag-aaral. Hindi ko sinabi sa kaniya na nagtatrabaho ako sa bar at binenta ako ng sariili kong tiyuhin. Sinabi ko sa kaniya na nagtatrabaho ako sa isang fast food at palagi akong panggabi. Ayokong mag-iba ang tingin niya sa akin lalo na ang mga tao rito. Habang naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep ay may napansin naman akong isang itim na kotse na wari ko’y kanina pa ako sinusundan. Panaka-naka ko itong tinitignan sa aking likuran at bumilis na rin ang aking paglalakad dahil sa takot. Kaagad naman akong pumara ng jeep pagkarating ko sa sakayan at mabuti na lamang ay hindi ito gaanong puno. Doon lamang ako nakahinga nang maluwag at napasandal pa sa aking kinauupuan. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang aking kaba at bakit ako sinusundan ng sasakyang iyon. Medyo minalas naman ako ngayon dahil inabutan ako ng traffic. Tinignan ko ang relo kong pambisig at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang aking unang klase at hindi ako puwedeng mahuli dahil meron kaming pagsusulit ngayong araw. Hindi ko na hinintay umandar ang jeep at kaagad na akong bumaba. Lakad-takbo naman ang ginawa ko at dahil sa aking pagmamadali ay hindi ko namalayang may paparating palang sasakyan at bigla akong napaupo sa gulat. Mabuti na lamang ay kaagad siyang nakapag preno at ako nama’y isa-isang pinulot ang mga libro ko na nagkalat sa sahig. Pansin ko naman na bumaba ang driver at ang kasama niya at tinulungan ako. At nang makatayo na ako ay tinignan ko naman siya at namangha dahil sa taglay niyang kagandahan. Nakangiti ito sa akin at inabot sa akin ang libro ko. Napayuko ako nang kunin ito sa kaniya dahil sa hiya at naabala ko pa sila dahil sa kagagawan ko. “S-salamat,” nahihiyang turan ko. “Pasensya ka na ha? Sorry hindi kasi kita napansin” “Okay lang po, pasensya na rin hindi kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko eh” “Naku girl huwag kang humingi ng pasensya sa kan’ya kasalanan niya ‘yan, may ubo kasi utak niya ngayon” “River puwede ba tumahimik ka nga! Hihilahin ko na ‘yang cactus mo eh!” singhal ng babae sa kasama niya. Inalok niya akong sumabay na sa kanila dahil doon din naman daw ang tungo nila at isa pa magkatapat lang ang school na pinapasukan namin at nasa college naman siya at ako ay nasa high school pa lang. Hindi na rin ako nakatanggi dahil mahuhuli na rin ako sa klase ko kaya sumabay na rin ako sa kanila. At nang makarating na kami ay sinamahan niya muna ako hanggang sa gate ng aming school. Nakangiti siya sa akin nang harapin ko siya at masasabi kong mayaman ang babaeng tumulong sa akin at mukha rin naman siyang mabait. “Salamat po at pasensya na rin kayo kanina,” wika ko sa kan’ya “Ayos lang kasalanan ko rin naman eh. At saka ano nga pala ang pangalan mo?” “Trinity Algaser” “Nice meeting you Trinity, I’m Savianna Miramonte but you ca call me Avi,” nakangiting saad naman niya sa akin at inilahad niya pa ang kaniyang palad. Tinanggap ko ito at ngumiti rin sa kaniya. “Nice meeting you rin Avi.” Umalis na rin siyang kaagad at saka naman ako nagmamadaling pumasok sa loob. Habol ko ang aking paghinga nang nakapasok ako sa loob ng aming silid at mabuti na lamang ay sakto rin ang pagpasok ng aming guro kaya’t kaagad akong naupo sa aking upuan. Katabi ko naman ang matagal ko ng kaibigan na si Jhauztine. “Bakit late ka yata ngayon?” bulong niya sa akin. “Traffic kasi eh” “Mabuti na lang umabot ka ang sungit pa naman ni ma’am Lynette,” nakangusong wika niya. Pagkatapos ng huling klase namin ay inayos ko na ang aking gamit at maya-maya’y siniko naman ako ni Jhauztine at ngumuso siya sa bandang likuran ko kaya napatingin ako roon. Nakita ko namang papalapit sa amin si Kenjie at malapad na nakangiti sa amin. Matagal na siyang nanliligaw sa akin at ilang beses ko na rin siyang tinanggihan. Hindi dahil sa hindi ko siya gusto, kun’di dahil sa mas priority ko ngayon ang pag-aaral at hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon. Marami rin ang nagagalit sa akin dahil ako ang nagugustuhan ni Kenjie na sikat na sikat din dito sa buong campus. Isa rin ‘yon sa mga dahilan kung bakit ko siya tinatanggihan. “Hi Trinity, Hi Jhauztiine!” masayang bati niya sa amin nang makalapit na siya. “Hi,” tipid kong wika sa kan’ya. “May klase pa ba kayo?” “W-wala na bakit?” “Yayain ko sana kayong kumain sa labas eh.” Napatingin naman ako sa mga kaklase kong matatalim ang titig sa akin at muling binalingan ni Kenjie. “Pasensya ka na Kenjie kasi__” “Hoy Trinidad ‘wag ka ngang mag-inarte! Kung iniisip mo ‘yong mga inggiterang frog d’yan na kasing panget ng pag-uugali nila well sorry na lang sila kasi hindi sila pinanganak na kasing ganda mo!” sabay irap niya pa sa mga ito. “Tumahimik ka nga baka mamaya sugurin pa tayo ng mga ‘yan eh,” bulong ko naman sa kan’ya. “Ano bang pakialam nila? Kasalanan mo bang pinanganak kang maganda?!” Napatapik na lang ako sa aking noo dahil sa mga pinagsasabi nitong kaibigan ko. “Sige na Trinity kahit saglit lang and after that ihahatid na kita sa inyo,” pagsusumamo ni Kenjie. Saglit akong nag-isip at pagkuwa’y pumayag na rin. Habang naglalakad kaming tatlo palabas ng campus ay may humarang naman sa amin na isang lalaki at may kalakihan ang pangangatawan. Puro tattoo ang braso niya at may hikaw ang magkabilang tainga. Seryoso siyang nakatingin sa akin at maya-maya’y binalingan niya si Kenjie na nasa kanang bahagi ko at hinagod pa niya ito nang tingin. “Miss Trinity pwede ka po bang makausap kahit saglit lang?” Nagtaka ako dahil alam niya ang pangalan ko. Iniisip ko kung naging customer ko ba ito sa bar at bigla naman akong kinabahan dahil baka malaman nila Jhauztine at Kenjie na nagtatrabaho ako sa isang bar. Ayokong malaman nila na sa bar ako nagtatrabaho dahil baka pandirihan nila ako at hindi matanggap kahit na napilitan lamang akong pasukin ang ganoong klaseng trabaho. “Sandali lang ha kakausapin ko lang siya” “Teka lang Trinity kilala mo ba siya?” Kunot-noong tanong sa’kin ni Kenjie. “O-oo n-nakatira siya malapit lang sa amin,” pagsisinungaling ko. “Samahan na lang kita” “Hindi na Kenjie mabilis lang naman ako kakausapin ko lang siya baka kasi importante eh. Ang mabuti pa mauna na kayo ni Jhauztine sa kakainan natin at itawag mo na lang sa’kin kung saan kayo naroroon,” tumango lang siya. At nang makaalis na si Kenjie at Jhauztine ay hinarap ko naman ang lalaki at seryoso pa rin itong nakatingin sa akin. Bigla kong naalala ang kaninang sumusunod sa akin at baka nga siya ang taong iyon. “Pinapatawag ka pala ni boss,” wika niya. “Sinong boss?” “Si Gascon.” Napalunok akong bigla nang marinig ang pangalan niya. Pangalan pa lang niya ay mukhang nakakatakot na. “B-bakit daw?” “Wala siyang sinabi. Ang sabi lang niya huwag daw kaming babalik hangga’t hindi ka namin kasama.” Napabuga na lang ako sa hangin at napapikit. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang siya sa akin at kung bakit niya ako tinutulungan. Siguro ang akala niya ay isa akong maruming babae at nadadala lang sa pera. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi ako ganoong klaseng babae kaya sasama ako para na rin makausap siya. Habang nasa byahe naman kami ay hindi ko maiwasang kabahan at ang lakas nang t***k ng aking dibdib. Muli ko na naman siyang makakaharap sa pangatlong pagkakataon at hindi ko alam kung ano ang posibleng mangyari sa muli naming pagkikita. Nang makarating na kami sa aming destinasyon ay kaagad naman kaming pumasok sa isang building na wari ko’y condo. Sumakay kami sa elevator at kami lamang ang sakay noon. Nakita kong pinindot niya ang fifteenth floor at doon siguro ang palapag kung nasaan si Gascon. Narinig kong tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami. Una siyang lumabas at kasunod naman niya ako sa kaniyang likuran. Nakayuko lang ako habang naglalakad at medyo namamawis naman ang aking palad dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit at para bang may kasalanan akong nagawa sa kan’ya. Huminto kami sa isang kuwarto at pinindot niya ang doorbell. Narinig ko ang baritonong boses niya at pinapapasok na niya kami. Binuksan ng lalaki ang pinto at sinenyasan niya akong pumasok na sa loob. Dahan-dahan naman akong pumasok at isinara na niya ang pinto pagkapasok ko sa loob. Nilibot ko ang aking paningin at namangha dahil sa ganda ng loob nito na pinaghalong itim at puting kulay. Humakbang pa ako at napahinto nang mapansin ko naman siyang nakatayo sa tapat ng bintana at ang dalawang kamay ay nasa kaniyang bulsa. Tumikhim naman ako para mapansin niya at hindi nga ako nagkamali. Marahan siyang pumihit paharap sa akin at pansin ko ang madilim niyang mukha na mas lalo kong ikinakaba. Sunod-sunod ang aking paglunok at tila ba’y natutuyuan ako ng laway. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at ako nama’y hindi inaalis ang pagkakatitig sa kaniya. Humigpit ang kapit ko sa aking back pack habang unti-unti siyang lumalapit sa akin. Parang gusto ko tuloy tumakbo palabas ng kuwartong ito dahil sa takot na para bang may gagawin siyang masama sa akin. Huminto siya sa aking harapan at ipinilig pa niya ang kaniyang ulo at pinagmasdan ang aking kabuuan at pagkatapos noon ay muli niya akong binalingan. Maya-maya pa’y unti-unti na naman siyang lumalapit sa akin at sa bawat paglapit niya ay panay naman ang atras ko. Napaupo akong bigla sa sofa nang maatrasan ko ito at itinukod niya ang isang kamay niya sa sandalan nito. Ilang sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko at mukhang napansin niya ito nang bumaba ang tingin niya at ngumisi sa akin. “You look scared,” mahinang wika niya. “B-bakit mo pala ako p-pinatawag?” nauutal kong wika. “Who is he?” Nangunot naman ang noo ko kung sino ang kaniyang tinutukoy. “S-sino?” “The guy who’s with you earlier.” Nanlaki ang aking mga mata dahil kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya. “Si Kenjie?” “So, Kenjie pala ang pangalan niya. What does he need from you?” “W-wala naman niyaya lang niya kaming kumain sa la__” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang ilapit niya ang mukha niya sa aking mukha at napasinghap akong bigla. “Don’t you dare flirt with other guy Trinity. Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin,” may diing wika niya. Dahan-dahan naman siyang lumayo sa akin at tumayo sa aking harapan. Mabilis naman akong tumayo at masama siyang tinitigan. “What do you want from me?! At saka bakit kita susundin?” galit kong saad sa kan’ya. “Because I own you” “Hindi ako pag-aari ng kahit na sino! At kung iniisip mo na ganoong klaseng babae ako, well sorry to say this I’m not one of them. At hindi ako robot para sumunod sa kung anong gusto mo” “Is that so?” He quickly approached me and hugged me around my waist. Napapikit akong bigla at amoy na amoy ko na naman ang panlalaking pabango niya. Pagdilat ko ng aking mga mata ay napansin kong titig na titig siya sa aking mga labi. Bumaling ang tingin niya sa akin at inilapit ang bibig niya sa aking tainga at bumulong. “I already bought you Trinity kaya sa ayaw at sa gusto mo susunod ka sa’kin.” Pagkasabi niyang iyon ay saka lamang siya lumayo sa akin. “Ano ba ang pakay mo sa’kin?” “Someday you’ll know. And I’ll take you home when you turn eighteen.” Nagulat naman ako pagkasabi niyang iyon. “At sa tingin mo papayag ako?” “You have no choice Trinity because I already bought you. And don’t you dare approach that guy again if you don’t want something bad happen to him,” seryosong wika niya. Bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa sinabi niyang iyon at baka may gawin nga siyang hindi maganda kay Kenjie. Ayokong mangyari ‘yon dahil mabuting tao si Kenjie kahit na ilang beses ko na siyang tinanggihan. Alam kong maimpluwensiyang tao siya at kaya niyang gawin kung ano ang sinasabi niya sa’kin ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD