CHAPTER 2

1610 Words
Maaga naman ako dumating kung saang bar ako pumapasok ngayon. Ayoko mang pumasok pero kailangan dahil binenta ako ng sarili kong tiyuhin at kailangan ko namang gawin ang trabahong ito kahit labag sa kalooban ko. Pagkapasok ko ng bar ay medyo marami na ring customer at iyong iba ay pawang abala na sa kanilang ginagawa. Kaagad akong pumasok sa dressing room upang magpalit na ng aking damit. Ramdam ko naman ang matalim na tingin sa akin ng mga babaeng nagtatrabaho rito ngunit hindi ko na lamang ito pinansin. Ganito na talaga sila sa akin noong bago pa lamang ako rito. Hindi ko sila kasundo at tila ba’y para akong may malalang sakit na iniiwasan nila. Tanging si Ate Josie lang ang aking nakakausap dito na siya namang waitress din. Binuksan ko ang aking locker at kinuha ang aking isusuot sa gabing ito. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa klase ng aking isusuot. Wala akong magagawa kun’di ang sundin ang patakaran ng bar dahil kung hindi ay baka tanggalin nila ako at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para tustusan ang sarili kong pangangailangan. Maya-maya ay pumasok si Ate Josie at pansin ko pa ang pag-irap niya sa mga babae rito sa loob ng dressing room at nilapitan ako. May bitbit siyang isang damit na pang waitress at iniabot nito sa akin. Taka ko naman siyang tinitigan. “Para saan po ito?” “Iyan ang isusuot mo ngayon” “P-po? Pero bakit po?” “Simula ngayon hindi ka na magsasayaw at waitress ka na ngayon.” Hindi na ako nakapagsalita at lumabas na rin siya ng dressing room. Ayos na rin siguro ito at least hindi ko na kailangan magsuot na halos kita na ang kaluluwa ko. Pero iniisip ko naman ang pag-aaral ko at kung paano ko matutustusan ang pang araw-araw ko na gastusin kung kakarampot lang ang kikitain ko bilang waitress. Umuupa lang ako sa maliit na kuwarto malapit dito sa bar at sa umaga naman ay kailangan kong pumasok sa eskwelahan. Mabuti na lang ay scholar ako ng Stanford high school at hindi ko na kailangan pang magbayad ng matrikula. Baon at pagkain ko na lang ang problema ko. Simula noong hindi na nagpapadala sa akin si papa ay doon na nagsimula ang kalbaryo ko. Dahil sa wala akong perang pang gastos ay nagtitiis akong pumasok kahit na pamasahe lang ang dala ko. Hindi naman ako binibigyan ng tiyuhin ko at asawa niya ng pera, bagkus ay sila pa ang humahawak ng perang pinapadala sa akin ni papa at binibigyan lang ako nang kaunti. Hindi ako nagrereklamo dahil sa kanila ako nakatira at sila ang nagpapakain sa akin. Pero ng biglang naputol ang komunikasyon namin ni papa at hindi na rin siya nakakapagpadala at nagulat na lamang ako nang ibenta ako ng sarili kong tiyuhin sa may-ari ng bar. Hindi na ako nakapalag pa dahil bayad na pala ako at nasa kanila na ang pera. Araw-araw kong tinitiis ang trabahong kahit sa panaginip ay hindi pumasok sa aking isipan. Kailangan ko rin itong gawin dahil gusto kong makatapos ng aking pag-aaral at makahanap ng matinong trabaho. Gusto kong makaipon para mabayaran kung magkano ang ibinayad sa akin. Marami na ring customer ang gusto akong ikama at mabuti na lamang ay kaagad akong sinasalo ni Ate Josie. Parati niyang sinasabi na hindi ako pang kama dahil ang trabaho ko lang ay ang magsayaw at makisalamuha lang sa mga customer na nagkakagusto sa akin. Biglang pumasok sa isip ko ang lalaking nagtanggol sa akin noong gabing muntikan na magkagulo rito sa bar. Hindi ko siya maintindihan kung bakit niya gustong tumira ako sa kan’ya. Napailing na lang ako nang maisip ko ang bagay na ‘yon dahil mukhang isa lang din siya sa mga customer na gusto rin akong ikama. Pagkatapos kong magbihis ay naglagay na lang ako ng kaunting make-up at lumabas na kaagad. Pumunta ako sa counter para simulan na ang paghahatid ng mga order sa customer. Napapitlag ako ng may biglang humipo sa aking hita habang nagseserve ako sa kanila at tinignan ko naman kung sino ito. Medyo bata pa siya at halatang mayaman din ang isang ito. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagmamadali ko nang ibaba ang kanilang inumin. Aalis na sana ako ngunit humarang siya sa aking daraanan at gulat akong napatitig sa kan’ya. Napadako naman ang tingin ko sa mga kasama niya na ngayo’y nakangisi sa akin. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa tray at nakailang lunok ako dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. “M-may kailangan pa po ba kayo sir?” nauutal kong wika. “You. Puwede ka ba naming mahiram kahit saglit?” “P-pasensiya na po kayo pero waitress lang po kasi ako.” Bahagya siyang tumawa at muli akong binalingan. Maya-maya pa’y nagulat na lang ako nang hawakan niya ang aking panga kaya napapikit ako dahil sa sakit at higpit ng kaniyang pagkakapisil. Napahawak naman ako sa kaniyang braso at pilit itong tinatanggal ngunit masyado siyang malakas. “Wala akong pakialam kung waitress ka lang dito! Ang gusto ko ay samahan mo kami rito at pagsilbihan mo!" “Bitiwan mo ‘ko nasasaktan ako!” “Bibitiwan lang kita kung susundin mo ang gusto ko,” nakangising saad niya. “Bibitawan mo siya o gusto mo pang mabuhay?” Napatingin ako sa kaniyang likuran at nakita ko na naman ang lalaking ‘yon. Nakatutok ang kaniyang baril sa lalaking bumastos sa akin at dahan-dahan naman niyang tinanggal ang kamay niya sa aking panga at hinarap ito. Nanatili pa ring nakatutok ang baril nito at walang kakurap-kurap kung tumitig siya rito. “Pare wala kang pakialam kung ano ang gusto kong gawin sa kan’ya. Humanap ka na lang ng ibang babae riyan at hindi mo ako madadaan sa pagtutok ng baril mo.” Walang takot na sabi ng lalaki sa kan’ya at bahagya pa itong tumawa. “Really?” Nagulat ako at napasigaw nang kalabitin niya ang gatilyo ng baril at pinutok ito sa bote na nakapatong sa kanilang lamesa. Doon na nagkagulo sa loob ng bar at nagsilabasan ang mga tao na naroroon at kita ko sa mukha ng lalaking ito ang galit at pag-igting ng kaniyang panga. Kung may sakit lang ako sa puso ay baka kanina pa ako inatake dahil sa takot ko. “Magkikita pa tayo at pagsisisihan mo ‘to!” Pagkasabi niyang iyon ay umalis na rin sila at naiwan na lang kaming dalawa ng lalaking may hawak na baril. Nakayuko lang ako at ayoko siyang tignan dahil nakakatakot ang awra niyang iyon at baka ako naman ang pagbuntunan niya. Naramdaman ko naman na papalapit siya sa akin at mahigpit kong hinawakan ang tray na dala ko at napapikit ng mariin. “Are you okay?” Doon lang ako napamulat nang magsalita siya at dahan-dahan akong nag-angat nang tingin sa kan’ya. Ngayon ko lang napansin ang kaniyang itsura at masasabi kong napaka guwapo niya ngunit matapang tignan. Nag-iwas ako nang tingin at inayos ko ang aking sarili. Ang lakas nang kabog ng puso ko, siguro ay dahil sa kaba at takot na naramdaman ko kanina. “O-okay lang ako, salamat” “Umuwi ka na.” Napataas ang kilay ko at taka siyang tinitigan. “Hindi pa tapos ang trabaho ko” “Hindi mo kailangan magtrabaho ngayon” “At bakit?! Kung hindi ako magtatrabaho wala akong kakainin at hindi ako makakapasok sa school!” sigaw ko sa kan’ya. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinapit ang bewang ko kaya napasinghap ako at napapikit. Amoy na amoy ko naman ang pabango niya na kay sarap amoyin. Napadilat ako at nanlaki ang aking mga mata dahil sa lapit ng mukha niya sa aking mukha. “You don’t have to worry about that. Kunin mo kay Josie ang pera at umuwi ka na, dahil kung hindi mo gagawin ‘yon baka magsisi ka sa susunod kong gagawin sa’yo.” Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niyang iyon at dahan-dahan niya akong binitawan. Tumalikod na siya at papalabas na ng bar. Hindi ako makapagsalita na tila ba’y nahipnotismo niya ako. Hindi ko naman namalayan na nakalapit na pala sa akin si Ate Josie. “Ito Trinity ang pera, pinapabigay ni sir Gascon sa’yo,” sabay abot niya sa akin ng pera. “Gascon ba kamo ang pangalan niya?” “Oo Trinity. Naku ang suwerte mo at ikaw pa ang natipuhan niya!” Taka ko siyang tinignan na halos abot tainga ang ngiti niya. “Bakit niya ginagawa sa’kin ito?” “Hindi ko rin alam Trinity, basta narinig ko lang kay matandang Claudia ay pag-aari ka na raw niya,” tukoy niya sa nagpapalakad nitong bar. “Ano?!” sigaw ko sa kan’ya. “Aray ko naman Trinidad! Sakit sa tainga ha. Iyon lang ang narinig ko at hindi ko alam kung bakit.” Napatapik na lang ako sa aking noo at tinignan ang hawak kong pera na inabot sa akin ni Ate Josie. Pabagsak akong nahiga sa kama ko pagkauwi ko sa aking inuupahan. Wala naman akong masyadong ginawa sa bar pero para akong pagod na pagod. Naalala ko naman ang lalaking nagngangalang Gascon na siyang tumulong sa akin kanina. Napatayo akong bigla at ginulo ang aking buhok. Naihilamos ko ang aking palad sa aking mukha at matamang nag-isip. “Sino ka Gascon? At bakit mo ‘ko gustong kunin?” wika ko sa aking sarili. Masasabi kong mukha siyang maimpluwensiyang tao at talaga namang nakakatakot kung babanggain mo siya tulad na lang nang ginawa niya kanina doon sa lalaking bumastos sa akin sa bar. Napapailing na lang ako at muling nahiga dahil sa pagod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD