CHAPTER 1

1596 Words
"Where is she?!" Sigaw ko sa lalaking pinadampot ko at nakatutok ang aking pistol sa kaniya habang siya'y nakaluhod sa aking harapan at duguan dahil sa natamong bugbog niya sa aking mga tauhan. "Gascon hindi ko alam kung nasaan siya," hirap niyang wika sa akin. "Hindi ako naniniwala sa'yo! Kapag hindi mo sinabi sa akin kung saan mo siya dinala hindi ako magdadalawang isip na patayin ka ngayon din" "Maniwala ka sa 'kin Gas__" Hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang iputok ko ang baril ko sa gilid niya na ikinagulat naman niya. "I'm going to ask you one more time, where is she?!" Umalingawngaw ang boses ko sa loob ng bodega na pati mga tauhan ko ay nagulat. "H-hindi ko talaga alam Gascon kung saan siya dinala," nagmamakaawang turan niya. "Erick ilabas si Douglas," utos ko sa isa kong tauhan para kunin ang alagang aso kong si Douglas. "Sige boss, " tugon ni Erick. Makalipas ang ilang minuto ay dala na ni Erick si Douglas. "Now speak up bastard! Kung hindi ka pa rin magsasalita ipapalamon kita kay Douglas ng buhay. Tamang-tama hindi ko pa siya pinapakain ng hapunan" "Gascon huwag ka namang magbiro ng gan'yan," umiiyak niyang turan sa akin. Lumapit ako sa kan'ya at naupo sa harapan niya. "Mukha ba akong nagbibiro?" "Hindi ko talaga alam kung nasaan siya," tumayo ako at nilapitan ang aso kong si Douglas at pagkuwa'y hinimas ang kaniyang ulo. "Douglas you're hungry right?" tanong ko sa aking aso at tumahol naman ito bilang pagtugon. "Sige Erick pakawalan mo si Douglas," utos ko naman sa kaniya. "Teka lang Gascon magsasalita na 'ko!" Muli ko siyang hinarap at ngumisi sa kan'ya. "Pinagbili siya ng tiyuhin niya sa isang bar sa Quezon City, isa siyang sikat na bar doon. Maraming mga businessman ang nagpupunta roon." Mahigpit kong nahawakan ang aking pistol dahil sa narinig mula sa lalaking ito. "Boss ano na ang plano mo gayong binenta na pala siya ng tiyuhin niya?" baling sa akin ni Erick. "Pupuntahan natin kung saang bar 'yon. Ihanda mo ang sasakyan" "Right away boss" "Ibigay mo kay Julius si Douglas siya na ang bahala sa kaniya." Sinunod naman ito ni Erick. "You know what to do Julius" "Yes boss ako na po ang bahala." Bago ako tumalikod ay muli kong binalingan ang lalaki na ngayo'y nagtataka akong tinignan. "Ikumusta mo na lang ako kay kamatayan," huling sinabi ko sa kaniya at inuumpisahan nang tanggalan ng tali ni Julius si Douglas. "Hayop ka talaga Gascon! Napaka-demonyo mo!" Sigaw niya habang papalayo na ako kasama ang iba ko pang mga tauhan. Napangisi na lang ako at napahinto nang marinig ko na ang pagtahol ni Douglas at sinulyapan ang nakasara ng bodega bago ako sumakay sa aking sasakyan. Sumandal ako at pumikit habang tinatahak namin ang daan papunta sa Quezon City kung saan namin siya matatagpuan. Ilang oras pa ang binyahe namin ay kaagad kaming nakarating at mabilis akong bumaba ng sasakyan. Pinasadahan ko pa ng tingin ang naturang bar bago pumasok sa loob. Marami ng tao sa loob at karamihan doon ay panay mga businessman. Meron din akong nakikitang mga medyo bata pa pero mas marami ang may mga may edad na. Naupo kami sa pinaka dulo at may lumapit sa aming isang may edad na babae. "Good evening sir! Ano po ang sa inyo?" Nakatingin lamang ako sa babae na nagsasayaw sa stage at may maskara ang mukha nito. Halata sa kan'ya na hindi siya sanay sa ganoong klaseng trabaho. Tinignan ko naman ang babae na nakatayo sa aming harapan at halatang hinihintay akong magsalita. "May hinahanap ako," tipid kong wika sa kan'ya. "Ano po bang gusto mo sir? Iyong bata or may karanasan na pagdating sa kama?" "Iyong bagong salta niyo rito," saglit muna siyang nag-isip at pagkuwa'y binalingan ako. "S-sino po roon?" "Hindi mo kilala kung sino ang dinadala rito?" inis kong wika sa kan'ya. "Ah! P-pasensiya na po kayo kasi tatlo po ang dinala rito eh. Si Josefa, Clara at Trinity po. Sandali po at ipapakita ko 'yong dalawa sa inyo." Tatalikod na sana siya nang sumagot naman ako. "Si Trinity." Nakasandal ako sa upuan at prenteng nakaupo, at ang aking tingin ay nakatuon sa babaeng sumasayaw sa aming harapan. "Naku po sir hindi na po s'ya available kasi may nauna na po sa kan'ya. Pero 'yong dalawa po maganda rin at I'm sure maliligayahan kayo." Sumenyas pa ako sa ere at alam na ng tatlong tauhan ko ang aking ibig sabihin. Kumasa sila ng kanilang mga baril at kita ko ang takot sa mukha ng ginang. Mataman ko siyang tinitigan at napaatras pa siya dahil sa takot. "Dalhin mo siya sa 'kin kung ayaw mong madungisan itong bar mo," mahinang wika ko sa kan'ya. "S-sige po sir m-maghintay lang po muna kayo rito sandali at tatawagin ko s'ya!" Kaagad na umalis ang ginang ng may pagmamadali. At nang sulyapan ko ang entablado ay wala na roong nagsasayaw. Maya-maya pa ay dumating na ang ginang at kasama na nito si Trinity. Nakayuko siya at nakasuot ng maigsing palda at naka kulay pulang bra lamang. Tatayo na sana ako ng may magsalita sa aming gilid. "Teka ako ang nauna sa kan'ya hindi ba?!" Napatingin ako sa kung sino ang nagsalita. Isa siyang matandang negosyante at halatang manyakis ito base na lang sa kaniyang itsura. "Naku sir pasensiya na po kayo ha? Sa ibang araw na lang po kayo," wika ng ginang. "E putang ina pala eh! Sige babayaran ko kaagad ng isang milyon ibigay mo na siya sa 'kin!" Hinablot niya ang braso ni Trinity na siyang ikinangiwi niya. Kinuha ko kaagad ang aking baril at mabilis itong kinasa. Tumayo ako at tinutok ko ito sa ulo ng matandang humablot kay Trinity. "Sige subukan mo siyang kunin at hindi ako magdadalawang isip na pasabugin 'yang bungo mo." Kaagad niyang binitawan si Trinity at sinulyapan siya na nagtataka sa aking tinuran. "Sino ka ba?! Matapang ka lang kasi may baril ka!" "Gusto mo ba akong subukan?" Magsasalita na sana siya nang lumapit sa kan'ya ang isang kasama niya at may ibinulong. Kita ko ang pagkagulat niya at mabilis itong tumalikod sa amin. Muli ko namang binalingan si Trinity na titig na titig sa akin. So, siya pala ang kaninang nagsasaway sa stage dahil napansin ko ang kuwintas na suot niya noong nasa gitna siya ng entablado. "Sir ayan na ha, muntik pa akong mapahamak dahil dito dapat malaki ang bayad niyo dahil naperwisyo pa ako!" wika ng ginang at halatang galit ito. "Twenty million," wika ko habang ang atensyon ko ay na kay Trinity. "Ay bongga! Naku Trinity umayos ka ha huwag mo akong ipapahiya!" Pagkasabi niyang iyon ay kaagad na umalis ang ginang. Pinaalis ko naman ang tatlo kong tauhan at kami na lang dalawa ang natira. Umupo na ako at nanatili pa ring nakatayo si Trinity sa aking harapan. "Scared?" "H-ha?! M-medyo" "Don't be. Niligtas lang kita sa matandang manyakis na 'yon. Sit down." Naupo naman siya sa malayo sa akin. "Dito ka sa tabi ko maupo." Saglit naman siyang hindi kumibo at maya-maya pa ay dahan-dahan siyang lumapit at naupo sa aking tabi. "What do you want to drink?" wika ko at tumingin ako sa kan'ya. Nakayuko lang s'ya at halatang ayaw ako tignan. Tinanggal ko ang suot kong jacket at ipinatong sa kaniyang balikat. Doon lamang siya nag-angat ng mukha at ako naman ang napaiwas ng tingin sa kan'ya. "S-salamat" "Cover yourself." Um-order muna ako ng inumin at maya-maya'y dumating na rin ito. Uminom ako ng alak at nakita ko siyang kinuha ang isang bote ng beer kaya kaagad ko siyang pinigilan bago niya pa ito inumin. Gulat niya akong tinitigan at kinuha sa kan'ya ang bote ng alak. Lumapit ako sa kan'ya at kaagad siyang napaatras. Ngumisi ako at tinignan siya ng maigi. Masasabi kong isa siyang magandang babae. Ang mga mata ay tulad sa isang manika at ang mga labi ay parang kay sarap tikman. Marami na akong babaeng naikama pero ni isa sa kanila ay hindi ko hinahalikan sa labi. "A-anong g-ginagawa mo?" nauutal niyang wika. "How old are you?" tanong ko sa kan'ya. "S-seventeen" "Not bad. When is your birthday?" "Two months from now." Bahagya akong lumayo sa kaniya at kinuha ang isang bote ng alak at nilagok ito. "I'll be back after two months and live with me." Gulat niya akong tinitigan at kaagad naman akong tumayo. "Hindi ka na maaaring umatras at ayokong magsasayaw ka sa stage tulad nang ginawa mo kanina. Magbabayad na ako kaagad para sa akin ka na ng tuluyan." Akmang tatalikod na ako ng muli siyang magsalita. "Who are you? At anong karapatan mong angkinin ako?" "Because I own you in the first place. Someday you'll know the reason." Pagkasabi kong iyon ay naglakad na ako sa kan'ya palayo at nakita kong inabot na ni Erick ang tseke sa ginang at malapad itong ngumiti nang kunin niya ang tseke. "Sir aalis na po kayo kaagad?" nakangiting wika ng ginang. "Ayokong pasasayawin niyo si Trinity katulad kanina at malalaman ko 'yan oras sa suwayin niyo ako." Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at kaagad na kaming umalis sa lugar na 'yon. "Boss anong balak niyo?" saad ni Erick na siyang nagmamaneho ng sasakyan. "Bantayan niyong mabuti si Trinity. Kapag may nanggulo sa kan'ya patayin niyo kaagad" "No problem boss. Saka bakit ganoon na lamang ang concern niyo sa kan'ya?" Huminga muna ako nang malalim saka ko siya sinagot. "Dahil anak siya ni Roberto Algaser, ang pumatay sa ama ko." Tumingin ako sa labas ng bintana at kinuyom ko ang aking palad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD