NAPASERYOSO si Lior nang isang babae ang biglaang lumitaw sa gitna ng paglalaban nila ni Saber. Hindi nga niya naramdaman ang pagdating nito na kaagad niyang naisip ang dahilan. Isang maliit na ngiti tuloy ang agad na sumilay sa labi niya dahil mukhang isa raw itong tao na nagmamay-ari ng medalyon. Isang malakas na pagtawa ang ginawa ni Lior habang nakatingin sa kanyang kalabang bulag. “Nakakatawa ka Saber! Talagang kinailangan mo pa ang tulong ng isang tao para lang makaligtas mula sa akin,” wika nga ng panginoon ng mga mutants na makikitang nagpakawala ng itim na aura para sindakin ang dumating na babae. Isang pagngisi rin naman ang sagot ni Saber habang nakakuyom ng kamao. Nasa isip kasi niya na hindi na kasi ito kagaya noong nasa Faladis siya. Hindi na raw siya mag-isa, kaya ang pagh