NAPAKUYOM na nga lang ng kamao si Lior dahil sa mga nangyari. Ngayon nga ay nakikita niya ang seryosong titig sa kanya ni Saber, na mukhang hindi na bulag sa pagkakataong ito. Bigla tuloy niyang naramdaman na may gagawin ito sa kanya na hindi niya inaasahan. Isa pa, gumugulo sa isip niya ngayon ay sa kung paano nakuha ng binatang ito ang kanyang hawak na medalyon kanina, gayong hindi naman daw niya ito nakitang umalis sa kinatatayuan nito. “Imposibleng maging ganoon ka kabilis,” sabi na nga lang ni Lior sa kanyang sarili at para subukan ang bulag na binata ay gagamit din siya ng kilos na kung saan ay napakabilis niya. Tumalon nga siya nang marahan at pagkatapos nito ay bigla na lang siyang naglaho. Isang malakas na hangin din ang kanyang iniwan sa kanyang kinatatayuan at dito na nga siya