ANG ARAW ng paglusob ng grupo nina Saber sa mundo ng mutants ay dumating na. Mula nga sa isang malawak na palayan na hindi gaanong pinupuntahan ng mga pulis at sundalo ay makikita ang pagdating ng mga nilalang rito mula sa kung saan-saan. Pinangunahan ito ni Father Arnel, na kasama na rin ang walong taong nagmamay-ari ng medalyon. Sa tantya ng pari ay nasa mahigit isandaan ang bilang nila at ang una nga nilang plano pagdating doon ay ang lusubin ang pasilidad kung saan nagaganap ang mga eksperimento sa mga taong nakukuha ng kanilang mga kalaban. Ang mga nagmamay-ari ng medalyon ang lalaban sa mga Elders, habang si Saber ang haharap kay Lior sa sandaling magpakita ito. Hindi nga rin naman nila masabi kung alam na ng kalaban ang gagawin nila, o baka hindi pa nakakapaghanda ang mga ito. Laha