NAPASERYOSO na nga lang si Father Arnel nang malaman ang nangyari kina Haze at Mad. Napatingin nga rin siya kay Flare na biglang bumagsak ang katawan sa pagdating nito sa kanya. Hindi niya malaman kung bakit, pero hindi siya nakaramdam ng pag-aalala sa dalawang iyon, bagkus ay parang alam niyang makakabalik pa rin sila nang ligtas pagkatapos nito. Isa pa, ang tunay na pakay nila rito ay nagtagumpay rin kaya malaking bagay na iyon para sa kanya. Kasalukuyan nga silang nasa isang pribadong lugar dito sa dimensyon nila na kung saan ay tama nga si Father ng pagpunta. May mga mutants nga rito na hindi pabor sa plano ni Lior at marami-rami ang mga ito na magiging isang malaking tulong para sa kanila. Naghihintay lang pala ang mga ito ng pagkakataon na makakausap ng mga nasa mundo ng mga tao par