Chapter 63

3306 Words

KUMAWALA ang napakalakas na hangin at ang apoy na ibinato ni Flare ay umikot pataas bago mawasak. Makikita nga na ang Elder na si Zordik ay ngising-ngisi habang nagliliwanag ng puti ang katawan. Ito ay ang kanyang abilidad, ang kapangyarihang elemental ng hangin. Isa siya sa tatlong pinakamalakas na Elders, at ngayon ay nais niyang ipakita ito sa tatlong matapang na sumugod sa kanila. “Pasalamat kayo, iniutos ni Panginoong Lior na manatili kayong buhay sa oras na matalo namin kayo,” sabi nga ng Elder na si Zordik na tinanggal na nga rin ang suot niyang sumbrero. Nasa tabi nga niya ang Elder na si Yrey na kasalukuyang nagliliwanag din ang katawan. Ang tatlong binata naman ay lumapag sa lupa at napaseryoso nang malaman ang abilidad ng Elders na kakalabanin nila. Alam na rin naman ito nina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD