“HINDI na kayo makakalabas ng bahay ko…” Isang boses naman ito na nagmula sa kung saan. Napaseryoso na nga si Saber at hinanap kung saan nagmumula iyon. “Nasaan ka?” bulalas ng binata at si Sandra naman ay kaagad na nagtago sa likod niya. “Narito lang ako sa iyong harapan…” wika ng matanda, at nang tumingin nga si Saber doon ay napa-alerto siya. “Paano siya napunta rito? O nandito na ba talaga siya kanina pa? May kakayahan ba siyang maging imbisibol?” tanong na lang ng binata sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang isang matanda na nakasuot ng itim na maluwag na kasuotan. May matilos itong baba, kulubot na kutis, gulo-gulong buhok at patulis din ang ilong nito. Isa itong itsura ng tipikal na mangkukulam sa mga kwento ng mga mortal. Siya ay ang pinuno ng mga naninirahan dito sa Kore…