NAPANGISI nga ang tatlong Elders na sina Karim, Yrey at Zordik nang mapagmasdan nila ang kanilang mga kalaban na bigla namang nagpakawala ng mga enerhiya mula sa kanilang mga katawan para sila ay subukang sindakin. Makikita nga sa Elder na si Zordik ang pag-iling dahil para sa kanya ay napakadali lang nilang matatalo ang mga ito kung ibibigay nilang lahat ang kanilang kapangyarihan. “Isa… Dalawa… Pito laban sa ating tatlo?” sambit naman ni Yrey na makikita sa mga mata ang kaseryosohan habang pinagmamasdan ang mga ito. Sandali nga rin siyang napatingin sa isang binatang makakalaban nila. “Isa siya sa mga pumunta sa atin dito noong nakaraan, ang lalaking gumamit ng apoy na dragon.” “Oo nga… May utang pa sa akin ang isang ito,” sabi naman ni Zordik na napakuyom ng kamao habang ang katawan a