… KAI’s POV … “Hindi mo dala ang kotse mo?” papansin ko kay Aman nang malayo-layo na kami sa bahay na pinagdalhan sa akin ni Juke. Ang tahimik niya pa rin kasi. I'm worried because he seems to be angrier than me. “Ang sabi mo sa text ‘wag na akong magdadala ng car. Oh, hindi pala, sabi pala ng lalaking iyon hindi ikaw,” he answered dryly, halatang napilitan. Kay tapang ng kanyang mukha habang nagmamaneho. Kita ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa manibela. Imbes na ako ang nagsisimyento ngayon ay siya na. “Pasensya ka na. Nababaliw na yata ang lalaking iyon,” simpleng paghingi ko ng paumahin para kahit konti ay maibsan ang inis niya sa akin. Inilipat ko ang tingin ko sa banda ko. Dinivert ko ang atensyon ko sa pagtanaw sa mga dinadaanan namin na mga establisyemento. Nahihiya na talag