… KAI’s POV … Saktong ala-una ng hapon nang marating ko ang lugar na pakay ko, lugar kung saan sinabi ni Miss Sophia na magkikita raw kami. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Gayunman ay pinilit kong alisin iyon. Ilang buntong-hininga ako at sipat sa mukha ko sa rearview mirror. Gusto kong makasiguro na hindi naman akong magmumukhang langaw kapag magkatabi or magkatapat na kami ni Miss Sophia. Sinadya ko pa talaga kanina na magpa-salon. Hindi ko alam kung bakit pagdating kay Miss Sophia ay na-i-intimidate ako. Dati naman ay keri ko lang kahit na average lang ang aking ganda sa ibang babae. Naniniwala ako noon na may kanya-kanya kaming ganda, tulad ni Dhenna sa akin. Ngayon lang talaga ako nanliliit sa sarili ko. Kung sabagay, si Miss Sophia siya for goodness’ sake. Kahit sino ay mawawa