… JUKE’s POV … “Sige na, Sir, gumising ka na. Hinihintay ka na raw ni Miss Maricar doon sa GNA. Kasama niya ang mga big boss, sir,” Clipton pleaded with me. Ayaw talaga akong tantanan ng bakla. How he got into this guest room where I slept, I do not know. Pero malamang ay tinulungan siya ni Kora or ng ibang kasambahay, pwede ring si Sophia mismo ang nagpapapasok sa kanya. Dito ako sa guest room natulog dahil kung hindi ay patuloy lang kami ni Sophia sa pagsusumbatan kagabi. Ayaw niya akong tigilan sa kakabunganga kaya nasumbatan ko na rin siya. Hindi na ako nakapagtimpi dahil kung anu-ano na ang sinasabi niya tungkol kay Kai. Hindi rin niya makalimutan ang ginawa kong pagtutok sa kanya ng shotgun sa isla kaya sila umalis noon. Sinusumbat niya sa akin. Humingi naman ako ng tawad dahil nat