… KAI’s POV … “Nang, wala na ba talang paraan para matawagan ko ang pamilya ko?” pangungulit ko kay Nang Jossa nang magtungo kami sa kusina para maghanda ng aalmusalin naming apat. Nag-volunteer akong tulungan siya at baka kung anong gawin ko kay Juke Rivas na iyon. Gusto ba naman akong paakyatin sa niyog para makatawag? Eh, ‘di wow. Ang sarap talaga niyang nguyain ng buhay o kaya ibaon sa lupa. Kaasar. “Ta-tawag? No ‘yon?” naguluhan niyang tanong habang nagbabatil ng itlog. Noy Henry says Nang Jossa is still good at cooking even though she has autism. Iyon daw ang pinush sa kanya na karerin nang nakitaan siya ng kagalingan sa pagluluto noong nag-aaral pa siya sa SPED. “Opo, tawag po. Iyong puwede mong makausap ang tao sa cellphone?” hirap kong paliwanag. Inilagay ko na lang ang kama