… KAI’s POV … Magkahalong mga huni ng mga kuliglig at tilaok ng mga manok sa labas ang nagpagising sa akin sa gitna ng malalim kong pagtulog. At sa pagmulat ko ng aking mga mata ay napabalikwas ako ng bangon. Nakadama ako ng takot dahil ang dilim ng paligid. Brownout yata. Tanging ang liwanag kasi ng buwan na sumingit sa mga uwang ng bintana ang lumiliwanag sa kuwartong kinaroroonan ko. “Bakit walang ilaw?” litong tanong ko sa sarili ko. I roamed my eyes around. I didn't know what to do because I was not used to the dark. “Huh?!” Nadagdagan pa ang takot ko nang napansin ko na parang may nagbubukas sa doorknob. May multo! Nahigit ko talaga ang hininga ko habang nanlalaki ang mga mata ko na naghintay sa mangyayari. Kung sa mga nagdaang araw ay feeling ko nasa tragic movie ako, nga