… KAI’s POV … Iniikot ko ang tingin ko sa apat na sulok ng silid na pinagdalhan sa akin ni Noy. At masasabi ko na maganda naman. Ayos na kahit na medyo maliit siya kaysa sa room ko sa bahay. Type ko ang malawak na bintana sa may ulunan ng kama na puwedeng buksan anytime to let in the hearvy, warm air blowing in from the ocean. Magiging komportable rin naman siguro ako lalo na sa pagtulog dahil may kutson naman ang kama. At kahit walang aircon ay sure ako na sasapat na ang natural na hangin mula sa labas. Sa tabi ng kama ay napansin ko rin ang cute na three-layer small cabinet bilang side table tapos ang chair na walang sandalan. Sa ibabaw niyon ay may flower vase at lamp shade. Na-miss ko tuloy ang room ko. Na-miss ko na magbasa at gumawa ng mga deadline sa work ko. Isang mahabang hini