… KAI’s POV … “Is this really your house, Kai? Bakit parang walang tao?” nagtataka na tanong ni Lucyle sa akin nang narating namin ang bahay namin. Totoong inihatid nila ako. Hindi talaga pumayag si Juke na magpasundo ako kay Aman. “Salamat sa paghatid,” napilitang sabi ko. Kung bakit walang tao, kabaliktaran ng inakala namin na puno ng reporter ang bahay namin, ay hindi ko alam. Pero pasalamat ko talaga dahil wala sila. Makakauwi na ako. Hindi ko na kailangang makipagplastikan sa dalawang ito. Sa totoo lang ay mas masakit pa sa damdamin ko na nakikita sila kaysa sa mga ginawa sa akin ni Miss Sophia. Mas gusto ko sana na magkaaway kami ni Lucyle, hindi ganito. Sana magkaribal na lang din ang turing namin sa isa’t isa, mas makatotohanan pa sana iyon, kaysa ganito. Nakakasukang isipin k