… KAI’s POV… “Kai…” Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata sa pamilyar na boses na narinig ko. At nang nakita ko nga ang mukha ni Juke na sobrang lapit sa mukha ko ay hindi ko na nagawang kumarap. Alam ko na kakakita at kakausap ko lang kanina sa kanya, but God knows how much I miss him already. Kanina nga nang pinilit ako ni Aman na matulog muna habang hinihintay namin si Mhaya ay siya ang laman ng isip ko. Tinatanong ko na naman ang tadhana kung bakit kailangang siya ang lalaking magugustuhan ko gayong may asawa na siya. “Pa-paano ka nakapasok dito?” nabahalang tanong ko na nang pumasok sa isip ko na narito ako sa silid ko, dito sa bahay ko. “Sino ang nagpapasok sa’—“ “Ssshhh!” He hushed me by placing his thumb over my lips. Nang tumahimik ako ay labi naman niya ang inilap