… JUKE’s POV … “We’re here. Hindi na kita maihahatid hanggang sa loob,” sabi ko kay Lucyle nang narating namin ang condo niya. Hanggang sa parking ng building ko lang siya kayang ihatid ngayon hindi na tulad dati na hanggang kama. Nakita ko sa peripheral vision ko na napatitig siya sa akin dahilan para patatagin ko pa ang leeg ko para diretso lang ang tingin ko sa unahan. Panahon na para itama ko ang ginagawa naming pagtataksil ni Lucyle dahil na-realize ko na wala na itong patutunguhan pa. When I saw her go with Angelo Perez when I needed her more, it became enough for me to lose my love for her. I’ve came to realize that she cannot be trusted. Taksil talaga siya. Ang babaw ko, alam ko, dahil kung totoong minahal ko siya ay dapat hindi ko siya susukuan. Dapat ipinaglalaban ko pa rin