… JUKE’s POV … “Hello?” Kai ‘s greeted when she accepted my call. “Kai, it’s me Juke,” atubiling sagot ko. Ang totoo I do not know why I called her. Naisip ko na lang bigla nang ipapasok ko na sana ang kotse ko sa bahay namin. Bigla na lang kasi akong kinabahan. At tingin ko ay nasurpresa ko siya dahil natahimik ang kabilang linya. “Kinuha ko kay Niel ang number mo kasi alam ko na hindi mo gagawin ang inutos ko sa’yo,” kaya naman paliwanag ko agad. “Bakit? Anong kailangan mo?” “Can we meet tomorrow? Magpapaliwanag ako.” “Anong ipapaliwanag mo?” “Tungkol kay Lucyle.” Ngayong alam ko na na buntis si Lucyle at wala na akong pananagutan sa kanya ay wala ng dahilan pa para magtago pa kay Kai. Gusto ko talaga na maging okay kami ulit. “Naihatid mo na siya? Kumusta naman kayo nang wala