Chapter 81

1240 Words

MAGAAN ang pakiramdam ni Zoe nang magising siya at nakarating na sila sa bahay ni Ethan sa Lucban. Wala kasing nagbago sa posisyon nila. Magkadikit pa rin ang kanilang mga ulo at nakayakap pa rin ito sa kaniya. "Nakatulog ka ba nang maayos?" tanong ni Ethan kay Zoe nang makalayo sila sa isa't isa. "Oo. Salamat nga pala sa balikat mo," nakangiti niyang sagot. "Ikaw? Did you sleep well?" "Okay naman ang tulog ko." Saglit na kumunot ang noo ng kaniyang asawa. "Wow, Inglesera ka pala." "N-nakapagtapos naman ako ng college at dati akong nagtatrabaho sa call center kaya medyo nasanay na akong mag-English," nauutal na depensa ni Zoe. Mabuti na lang at mabilis gumana ang utak niya. Mabuti na iyong may nakahanda na siyang katuwiran sakali mang nadulas uli siya at napabanat na naman ng English

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD