BUKAS nakatakdang lumabas ng ospital si Ethan at uuwi na ito ng Lucban. Kaya umuwi muna si Zoe para mag-empake. Pero ngayong nakikita niya ang kaniyang mga anak na natutulog, parang nahahati ang loob niya. Ito ang unang beses na mahihiwalay nang matagal si Zoe sa mga anak niya. Ang paalam niya kay Nathaniel ay sasamahan niya sa ibang lugar ang Daddy nito para tuluyang magpagaling. God, makakatulog kaya siya sa gabi nang hindi yumayakap at humahalik sa mga anak? At knowing na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan si Daniel? Tumulo ang kaniyang mga luha nang mapatingin sa picture ng nawawalang kakambal ni Nathaniel. He was smiling. It seems like he was telling her to be okay. Inabot ni Zoe ang picture frame at hinaplos ang larawan ni Daniel. "Kung nasaan ka man ngayon, sana okay