MADILIM ang mukha ni Ethan nang dumating siya sa lounge ng kaniyang executive suite. Hindi niya pinansin si Mayeth na takang-taka sa reaksiyon niya. Dire-diretso lang ang binata sa lamesa niya. Eksakto namang sumunod sa kaniya ang executive assistant niya nang pukpukin niya nang malakas ang ibabaw ng kaniyang office table. "Is there a problem, Sir?" tanong nito sa kaniya. Nakayuko lang si Ethan habang nakakuyom ang mga kamay. Hindi man lang siya nag-abalang tingnan si Mayeth. "Masiyado nang binabastos ng Justin na 'yon ang pagiging CEO ko. Nagpalit siya ng Finance Manager na hindi niya sinasabi sa'kin." Tiim-bagang na nag-angat ng ulo si Ethan at tumingin sa executive assistant niya. "And you know what? Si Miss Tan pa ang ipinalit niya kay Mrs. Lagdameo na ilang dekada nang nagtatrabah