NAALIMPUNGATAN si Zoe na wala si Ethan sa tabi niya. Ganoon na lang ang takot na bumalot sa kaniyang puso. Pero hindi rin nagtagal ang pag-aalala niyang iyon nang bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa niyon ang asawa. "Why did you wake up?" nakangiting tanong sa kaniya ni Ethan habang papalapit ito sa kama. "Alas singko pa lang ng umaga." Hindi magawang ialis ni Zoe ang tingin niya kay Ethan. Bawat galaw nito ay sinusundan ng kaniyang mga mata. Parang hindi pa rin kasi siyamakapaniwala na kasama na uli niya ito sa master's bedroom. "I thought you were gone again." Umupo sa kama si Zoe at niyakap ang dalawang binti. "Noong nawala ka, gabi-gabi akong nagigising sa alanganing oras. Naaalimpungatan ako tapos hinahanap-hanap kita sa bawat sulok nitong kuwarto. Hoping na bumalik ka na." M