Mula sa kinatatayuan ay sinusundan ni Zoe ng tingin ang dahan-dahang paglalakbay ng mga alon mula sa pusod ng dagat papunta sa dalampasigan. Matapos humalik sa buhangin ay muli itong bumalik sa karagatan. Paulit-ulit. Walang kasawaan, walang kapaguran. Habang pinapanood iyon ay may isang bagay siyang na-realize. Ang paghahanap kay Daniel ay parang katulad din ng paghampas ng mga alon sa dalampasigan. Paulit-ulit pero hindi nakakapagod. They have been searching for Daniel for twenty-five years now. Araw-araw, minu-minuto, segu-segundo ay naghihintay sila sa kaniyang pagbabalik. Halos binaligtad na yata nila ang buong Pilipinas. Kung saan-saang bansa na rin sila nakarating. Lahat ng mga lansangan, bahay-ampunan, at mga eskuwelahan ay sinuyod na nila. Ngunit kahit kaunti ay walang bakas