Chapter 53

2203 Words

KANINA pa pinagmamasdan ni Ethan ang masayang pag-uusap nina Zoe at mga kapatid nito. Kaaalis lang kasi ng psychiatrist na tumitingin sa ina ng mga ito at sinabing malaki raw ang improvement ni Mommy Dahlia. Kaya malaki rin ang chance na hindi magtatagal ay gumaling na ito. Napabuntong-hininga si Ethan. Malapit nang maging maayos ang pamilya ng babaeng mahal niya. At masaya siya para kay Zoe. Pero paano iyon magiging buo kung hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nasasabi ang mga kailangan niyang sabihin? "Ethan, baby? Baby, Ethan?" Napakurap-kurap ang binata nang maulinigan ang nanunuksong boses ng nobya. Nagulat pa siya nang malamang nakatayo na pala ito sa harapan niya. Sa sobrang lalim ng iniisip niya ay hindi niya namalayang nakalapit na pala si Zoe. At mukhang kanina pa nito kinu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD