"SIR, galit na galit po ang Board of Directors dahil sa pagharang n'yo sa Universal Andrada Corporation para makipag-merge sa company natin. Hindi rin nila nagustuhan ang pagpapatalsik n'yo kay Police General Andrada. You need to attend the meeting tomorrow to explain and defend yourself, Sir." Lalong sumakit ang ulo ni Ethan sa isinalubong sa kaniya ng executive assistant niyang si Mayeth. Ito rin ang nagsisilbi niyang strategic assistant at nagtuturo sa kaniya ng mga kailangan pa niyang matutunan bilang CEO. Ang Universal Andrada Corporation ay ang pag-aari ng pamilya ni Shantal. Pagkatapos niyang malaman noon na sinaktan nito si Zoe ay pinaimbestigahan ni Ethan ang pamilya nito para maipaghiganti ang nobya. Kaya nang malaman niyang may balak makipag-merge ang kumpaniya na pinapatakbo