NALULUHANG pinaglandas ni Zoe ang mga daliri niya sa mga nakaukit na letra sa lapida ng ama. Ilang taon na ang lumipas simula nang mamatay ito. Palagi rin silang nandito para dumalaw. Pero hanggang ngayon, parang hindi pa rin makapaniwala si Zoe na makikita roon ang pangalan ni Daddy Herbert. Bagaman at matagal na niyang tanggap ang pagkawala nito. At masaya na siya kung nasaan man ito naroroon ngayon. "I miss you so much, Dad. And I always love you," malungkot na saad ni Zoe nang tumigil ang kaniyang daliri sa petsa ng kamatayan nito. "Nalulungkot pa rin ho ako dahil wala na kayo rito. Hindi n'yo na nakasama ang mga apo n'yo o nakita ang pamilya ko. Hindi n'yo na nakita kung gaano kami kasaya ngayon. Pero I know naman that you're just watching us from above... always." Sa kabila ng pan