Bago pumunta sa Lucban nang araw na iyon ay dumaan muna sila ni Ethan sa doktor nito para i-check up ang kalagayan nito. Magandang senyales daw na isa-isa na nitong naalala ang mga memories na nakalimutan nito noon. Hindi raw magtatagal ay tuluyan nang gagaling ang asawa ni Zoe. Tanghali na sila nakaalis ng clinic kaya hapon na nang makalabas sila ng Laguna. "Did you still remember this place?" tanong ni Ethan kay Zoe nang itigil nito ang sasakyan. Binuksan niya ang bintana at sumilip doon. Napangiti siya nang mapagtanto kung nasaan sila. Nasa bayan na pala sila ng Lucban. "Dito mo ako iniligtas noon mula sa mga sira-ul*o na 'yon. I really thought it was the end of my life. But God sent my guardian angel and knight in shining armor." Nagniningning ang mga mata na binalingan niya ang