Abala lahat ng tao sa hacienda sa paghahanda sa nalalapit na kasal ni Christian at Danica. Halos lahat ng tao sa Isla Montellano ay imbitado sa kasal ng dalawa. Napuno ng ingay at tawanan ang malaking bahay dahil sa preparasyon ng kasal, sa labas man o sa loob ng bahay. Mapa-bata man o matanda, lahat ay aktibo sa pagtulong at may kanya-kanyang ginagawa ang bawat isa. Napakagandang pagmasdan ng bayanihan. Hindi kakikitaan ng pagod ang lahat at halatang masaya sa ginagawa. At lahat ay nasasabik na masaksihan ang nalalapit na pag-iisang dibdib ng isang Christian Montellano at isang Danica Apostol Mendoza. Ang magulang ni Christian at ang kapatid ni Danica ang nag-intindi/nag-asikaso ng preparasyon ng kasal ng dalawa. Hinayaan ng mga itong magkaroon sila ng oras sa isa't-isa kasama ang kamba