Nakakita si Krizzia ng malinis na plato kaya kinuha niya ito at do’n hiniwa ang mansanas sa medyo maliliit na piraso. Lumapit siya kay Dylan at humila ng isang monobloc na upuan.
Kumuha siya ng isang piraso ng mansanas at itinapat iyon sa mukha ni Dylan. Ngumiti ng pagkatamis-tamis sa kaniya si Dylan bago isinubo ang mansanas.
Napayuko si Krizzia para muling umiwas ng tingin kay Dylan. Kung isa lang siyang yelo, siguradong tunaw na siya dahil sa titig sa kaniya ni Dylan.
Hindi siya mapakali. Kakaiba ang tingin sa kaniya ni Dylan. There is something in Dylan's eyes that if she look to much to it, she will be lost.
Dahil sa sobrang hindi mapakali na nararamdaman, hindi napansin ni Krizzia na sunod-sunod na ang pagkuha niya ng mansanas at hindi ito dumidiretso sa bibig ni Dylan kundi sa pisngi nito.
Nanlalaking mata na napatingin si Krizzia kay Dylan na medyo basa ang pisngi nito habang may nakadikit pa na mansanas na bagong kuha niya lang. Ang mga nasayang naman na mansanas ay sinalo ng puting T-shirt na suot ni Dylan. Ngumiti sa kaniya si Dylan.
"Nice. Ang galing mong magpakain," sarcastic na sabi ni Dylan habang nakangiti pa rin ito at tinanggal ang mansanas na nakadikit pa rin sa pisngi nito.
Hindi mapigilan ni Krizzia ang makaramdam ng hiya habang nakatingin sa kaniya si Dylan na ngumunguya.
"Hindi ka komportable kasama ako?" rinig niyang sabi ni Dylan.
Hindi niya alam ang isasagot sa tanong ni Dylan kaya umiwas na lang siya ng tingin. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Dylan.
Nagtatakang napatingin si Krizzia kay Dylan nang tumayo ito at nag-streching. Nanlalaking mata na umiwas siya ng tingin nang biglang hinubad ni Dylan ang T-shirt nito.
"A-anong g-gagawin mo?" nauutal na sabi ni Krizzia.
Walang ekspresyon na tumingin sa kaniya si Dylan. "You can leave since you're not comfortable to me." malamig na sabi ni Dylan sa kaniya at pumasok ng banyo.
Hindi alam ni Krizzia pero parang may tumusok sa dibdib niya. Alam niyang dahil iyon sa pakikitungo ni Dylan sa kaniya. Sanay siya na makulit ito at maingay. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng ganun dahil sa inakto ni Dylan sa kaniya. Bakit ba siya nasaktan?
Huminga si Krizzia ng malalim bago tumayo at kinuha ang bag niya. Nang buksan niya ang pinto, bumungad sa kaniya ang isang lalake na nagngangalang Brian. Nakangiti ito at kakatok pa sana kung hindi niya binuksan ang pintuan.
Hindi niya pinansin si Brian at mabilis na tumakbo sa elevator at sumakay.
Nagtatakang napatingin si Brian kay Dylan na topless at bagong labas sa banyo na ngayon ay nakakunot ang noo na nakatingin sa kaniya. Ngumisi si Brian sa kaniya at umiling bago binitawan ang dala nito plastic na may lamang mga pagkain galing sa goldilocks.
Napalunok si Krizzia. Kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya para makauwi. Baka nag-aalala na ngayon si Nanay Asuncion sa kaniya.
Parang gusto niyang saktan si Theo. Si Theo lang ang naaalala niyang kasama niya. May kausap ito sa cellphone nito. Hanggang do’n lang ang maalala niya.
Napatigil siya nang makita si Brian na humahangos palapit sa kaniya.
"Alam kong hindi mo alam ang pauwi kaya sana magtiwala ka sa akin. Hindi kita gagawan ng kung anong hindi mo gusto. Ihahatid kita sa inyo," sabi nito sa kaniya.
Dahil sa wala na siyang magagawa, sasama na lang siya kay Brian. Mukha naman harmless si Brian.
Pumunta sila sa parking lot na nasa tapat ng hospital. Mabilis na pinagbuksan ni Brian si Krizzia ng pintuan at pinaupo sa passenger seat. Umikot si Brian papunta sa side ng driver's seat. Bago sumakay si Brian, ngumisi muna siya at tumingala. Nakita niya si Dylan sa terrace ng ika-sampung palapag ng hospital. Masama itong nakatingin sa kaniya. Mas lalong napangisi si Brian saka pumasok sa kotse at pinaharurot iyon paalis.
Napahigpit ang hawak ni Dylan sa railings nang makitang umalis na ang kotse kung saan nakasakay si Krizzia at Brian. Halos mayupi na ang bakal ng railings dahil sa sobrang higpit ng hawak niya dito.
Galit at selos ang nararamdaman niya pero dahil sa isa na rin siyang officially in denial, hindi niya inamin sa sarili na nagseselos siya. Ayaw niyang kumpirmahin iyon. He don't want Krizzia to be his lover. He just want Krizzia to be one of his friends.
"Dylan!" rinig niyang tawag sa kaniya ni Theo.
Dahil sa hindi naman siya makakalimutan, hinarap niya si Theo at sinuntok ito. Not putting all of his energy to punch Theo's face. Napasalampak si Theo sa tiled na floor ng hospital.
"What the! Why do you need to do that?!" galit na sabi ni Kate sa kaniya at nilapitan si Theo.
"Ask that f*****g husband of yours!" galit rin na sabi sa kaniya.
Galit na tumingin sa kaniya si Kate. Sa isang iglap, nasa harap na niya si Kate at sinapak din siya. Of course, it hurts. Kate is a f*****g legendary after all. Powerful.
"Pinuputok ng butsi mo kung bakit napunta si Krizzia dito, right? Don't worry, we didn't force or hurt your Krizzia to brought her here. Pinatulog ko siya and me, Brian and Theo take good care of her." sarcastic na sabi ni Kate sa kaniya.
Nawala ang nararamdaman niyang galit sa isang iglap. Nadala lang siya ng galit niya at hindi siya makapag-isip ng mabuti dahil…
Kasama lang naman ni Krizzia si Brian sa isang kotse.
"I-i'm..." Walang maidugtong si Dylan para sabihin.
"Well, thank you anyway." sarcastic na sabi ni Kate bago hinila si Theo palayo sa kaniya.
Galit sa kaniya si Kate. Galit sa kaniya ang bestfriend. Napahinga na lang siya ng malalim. Papalamigin niya na lang muna ang tensyon. Sinuntok niya si Theo dahil naalala niya ang pinangako niya kay Theo pero si Kate, being a worried wife to her husband, defend Theo kahit na hindi naman iyon ang ipinuputok ng butsi niya.
God! This is all Krizzia's fault. Bakit ba siya apektado? Bakit siya nagagalit?
Did i fall?
Napailing si Dylan sa naisip. No way! Ayaw niyang ma-fall kay Krizzia.
Reasons? First, Krizzia is not comfortable being alone with him. Second, Krizzia is irritated of him. Third, the main reason. Krizzia is not ready to change. Kung hindi siya hahayaang pasokin ni Krizzia ang mundo nito, then he can't really fall in love to her. Ayaw niyang ma-fall siya pero walang sasalo sa kaniya.
So, no way. Kung totoong napo-fall na siya, matitigilan niya pa na maramdaman iyon. Starting to fall pa lang naman ang stage niya kaya kung gusto niyang tigilan ang nararamdaman niya, lalayuan niya si Krizzia. Kaso nga lang, iyon ang problema, e! He can't!
Lalo na ngayong nasa panganib na ang buhay ni Krizzia dahil sa nangyari sa library at kay Brian na alam niyang inaasar siya.
Damn! Masasakal niya talaga si Brian.